Quezon City Public Library, bukas sa libreng Japanese Classes
MANILA, Philippines — Inihayag ng Quezon City government na bukas na ang Quezon City Public Library (QCPL) para sa libreng Japanese classes sa Quezon City Public Library.
Ayon sa City Librarian Ms Mariza Chico, head ng Quezon City Public Library (QCPL), sila ay nag aalok muli ng free online Basic Japanese Language Classes para sa mga bagong learners na nais mag explore ng lengguwahe at kultura ng Japan.
Para sa mga beginners, ang kurso ay pumapaloob sa essential Japanese grammar, vocabulary, everyday expressions at basics ng Hiragana at Katakana writing systems.
Ang mga participants dito ay magkakaroon din ng kaalaman tungkol sa Japanese customs, etiquette, at cultural practices. Ang Japanese class ay pangangasiwaan ng mga experienced instructors a trained volunteers mula sa Jellyfish Education Philippines, Inc.— ang official partner ng QCPL mula nang mailunsad ang programa noong 2019.
“The QCPL’s Free Online Language Class opens doors of opportunity for every QCitizen—reminding us that in Quezon City, learning knows no limits, and progress begins with knowledge,” ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.
Bukas ang programa sa lahat ng learners nationwide kahit saan ka pa nakatira bastat 18- anyos pataas, may access sa laptop, desktop, o smartphone, stable internet connection at Zoom account.
Ang QCPL ay tumatanggap na ng aplikasyon para sa mga registrants para sa next session na magsisimula sa June 19, 2025.Ito ay limitado lamang sa 500 participants at First come, first served. Ang mga interesado ay maaaring mag register sa QCPL Facebook page.
- Latest