P2.295 milyong iginawad ng PNP sa tipsters
MANILA, Philippines — Ginawaran ng ng Philippine National Police (PNP) ng kabuuang ?2,295,000 milyon ang 16 tipsters o mga indibidwal na nagbigay ng impormasyong sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga wanted sa batas na sangkot sa mga kasong kriminal.
Pinangunahan naman ni PNP Chief Police General Nicolas Torre III ang ceremonial awarding ng monetary rewards at nagpasalamat sa “katapangan” ng mga indibidwal na nakibahagi sa “risky yet critical mission”, kamakalawa.
Nasa 16 namang mga tipster na nakatulong ng malaki sa anti-criminality operation ng PNP ang ginawaran ng pabuya.
“Ang inyong ginawa ay napakadelikado at napakaselan, pero kailangan nating maalis sa komunidad ang mga wanted persons. Ang pera ay maliit na bagay, pero napakalaking tulong ito para sa atin at ito ay taos-pusong ipinapaabot ng ating gobyerno,” saad ng PNP Chief.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ng heneral ang PNP Command Group , staff at field operatives sa patuloy na suporta sa pagsusulong ng hustisya gayundin sa pagbibigay proteksiyon sa kaligtasan ng mamamayan.
- Latest