^

Metro

SUV hinuli sa blinker, nakumpiskahan ng baril, eksplosibo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
SUV hinuli sa blinker, nakumpiskahan ng baril, eksplosibo
Kinilala ni PNP-HPG Director Brig. Gen.­Eleazar Matta ang mga nasakoteng suspect na sina Joselito Agtuca, 47-anyos at JJ Café Javier. Si Javier ay nagpapanggap din umanong Undersecretary ng Office of the President (OP) na ginagamit ng mga ito para makapangotong sa mga negosyante at kilalang personalidad.
STAR/ File

2 extortionist timbog

MANILA, Philippines — Nagsilbing susi ang hindi awtorisadong paggamit ng blinker upang masakote ang dalawang pinaghihinalaang extortionist, isa rito ay nagpapanggap na Undersecretary sa palasyo ng Malacañang  habang nakumpiska rin ang mga baril at eksplosibo sa behikulo ng mga ito sa operasyon sa lungsod ng Parañaque, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni PNP-HPG Director Brig. Gen.­Eleazar Matta ang mga nasakoteng suspect na sina Joselito Agtuca, 47-anyos at JJ Café Javier. Si Javier ay nagpapanggap din umanong Undersecretary ng Office of the President (OP) na ginagamit ng mga ito para makapangotong sa mga negosyante at kilalang personalidad.

Batay sa report , ang mga suspect ay nasakote muli mahigit isang taon matapos ang mga itong una nang maaresto sa paggamit ng tanggapan ng Office of the President (OP) sa kanilang extortion racket. Nakalaya ang mga ito matapos na magpiyansa.

Ang mga ito ay nasakote muli sa isinagawang operasyon ng PNP-HPG sa Parañaque City noong Hunyo 13  matapos namang sitahin sa hindi awtorisadong paggamit ng blinker .

Sinabi ni Matta na ang behikulo na may protocol plate “12” at may blinker na nakakabit ay siya ring ginamit ng mga suspect sa kanilang illegal na aktibidades. Ang mga ito ay aktibong nambibiktima ng mga negosyante sa Cebu.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang isang cal 9 MM, bulletproof vest at isang C4 explosives na ipinagbabawal gamitin ng sibilyan. Ayon sa opisyal walang maipakitang dokumento ang mga suspect sa ownership at rekord ng behikulong ginagamit ng mga ito.

Inihayag naman ni Ambassador Markus Lacanilao, special envoy for Transnational Crime si Agtuca ay kabilang sa tatlo kataong nadakip sa entrapment operation sa Pasay City noong Marso ng nakalipas na taon matapos namang mangikil ng P5 milyon sa isang negosyante  na binantaan ng mga itong ipasasara ang Emission Testing business kapag hindi nagbigay ng naturang halaga. Positibo naman ang mga itong kinilala ng biktimang negosyante.

ELEAZAR MATTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »