^

Metro

Konduktor na ‘nanguryente’ sa PWD, kasuhan - Dizon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinakakasuhan ni Transportation Secretary Vince Dizon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang konduktor ng bus na sinasabing ‘nanguryente’ o gumamit ng taser gun sa isang person with disability (PWD) sa loob ng bus kama-kailan.

Sa isang pulong balitaan, ipinaliwanag ni Dizon na dahil kasong kriminal ang kakaharapin ng konduktor ay hindi kailangang ang biktima ang magsampa ng kaso sa kanya, at maaaring gawin ito ng pamahalaan.

“Kaso ‘yan. Criminal ‘yun. Hindi na natin kailangan ‘yung biktima ang magkaso diyan. Ang gobyerno puwede na mismong mag-file and I will direct now LTFRB to file a case through the prose­cutor, through the DOJ, against the conductor,” ayon kay Dizon.

Nag-ugat ang kaso sa ginawang pagkuyog ng mga pasahero kay alyas “Macmac”, 25, na isang PWD, matapos umanong mangagat ng isang pasahero na lulan din ng Precious Grace Transport habang bumibiyahe ito sa EDSA busway noong Hunyo 9. 

Una na ring sinabi ni Dizon na sinuspinde na nila ang lisensiya ng driver at ng konduktor dahil sa pangyayari.

Iginiit din ni Dizon na habang ang mga ­pasahero ay sakay ng bus, ang mga ito ay responsibilidad ng driver, konduktor at ng kumpanya ng bus.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III na inisyuhan na nila ng show cause order ang ope­rator at konduktor upang pagpaliwa­nagin hinggil sa ­insidente.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »