^

Metro

Navotas Polytechnic College pinasinayaan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang de kalidad na edukasyon sa pagbubukas ng Navotas Polytechnic College.

Ang pagpapasinaya ng nasabing kolehiyo ay kasabay ng pagdiriwang ng ika 18 taon ng pagi­ging lungsod ng Navotas.

Ayon kay Mayor John Rey, ang NPC ay mayroong 28 classrooms, limang computer laboratories, tatlong science labs, speech lab, library, indoor at outdoor cafés at gymnasium.

Sinabi ni Mayor John Rey na mananatiling libre ang pag-aaral sa NPC. Aniya, hindi lang sila nagtataas ng mga gusali, kundi binubuo ang kinabukasan ng kabataan.

“Holistiko ang ­ating pagtingin sa edukasyon hindi lang ito tungkol sa pagtatapos o pagkakaroon ng diploma. Gusto nating hubugin ang mga Navoteñong may pagpapahalaga sa life-long lear­ning at may tamang pagpapasya para sa sarili, pamilya, at komunidad,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi naman ni Cong.Toby na namumuhunan ang lungsod sa edukasyon na pangmatagalang solusyon.

Ani Cong. Toby hindi lang para sa kasalukuyan ang ginagawa ng LGU kundi para sa kinabukasan ng mga kabataan at lungsod.

“Sa bawat estudyanteng may natapos, may pamilyang umaangat, at may komunidad na mas umuunlad,” anang Kongresista.

COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »