^

PSN Opinyon

Live streamer sa Japan, inaresto nang magsuot ng panty sa mukha!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

INARESTO ng mga awtoridad sa Chiba Prefecture, Japan ang isang 51-anyos na streamer na kilala bilang “Zokkunzokkun” matapos maglibot sa isang residential area na may suot na panty sa kanyang mukha.

Layunin umano ng lalaki na makakuha ng mas mara­ming viewers sa kanyang online livestream, ngunit nauwi ito sa kanyang pagkakakulong at matinding batikos mula sa publiko.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-tres ng hapon noong Mayo 19 sa lungsod ng Ichikawa. Nakasuot si Zokkunzokkun ng puting gym uniform, pulang bloomers, at pink na underwear na nakatakip sa kanyang ilong at bibig na mistulang eksena sa isang sikat na komiks sa Japan.

Ini-livestream niya ang kanyang kakaibang ayos habang naglalakad at tumatakbo sa paligid ng isang residential area.

Dahil dito, maraming residente at online viewers ang agad tumawag sa pulis. Isang babae ang nagsabing “nakakatakot at nakakagulat” ang ginawa ng streamer, habang marami sa social media ang naghayag ng pagkadismaya at pagkasuklam dito.

May ilan ding nanawagan na dapat tuluyang pagbawalan sa online platforms tulad ng Kick at Niconico Live ang mga streamer na gumagawa ng ganitong uri ng content.

Inamin naman ni Zokkunzokkun sa imbestigasyon na ginawa niya ito para lang makadagdag ng viewers sa kanyang channel na may higit 5,000 followers. Nakumpiska rin ng pulisya ang ilang gamit na kaugnay sa livestream.

Sa kabila ng matinding batikos, may iilang nagtanong kung nararapat nga ba ang kanyang pagkakaaresto. Gayunman, mariing ipinatutupad ng Chiba Prefecture ang nuisance prevention ordinance upang mapanatili ang ka­ayusan at kapayapaan sa kanilang komunidad, lalo na laban sa mga hindi angkop na gawi sa publiko.

STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »