^

PSN Opinyon

Kailangan pang may mamatay bago higpitan ang road safety

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MASYADONG maluwag ang batas sa road safety. Halimbawa, maaring tumanggi sa drug test ang reckless driver kapag nada­kip ng awtoridad.

Ganyan nga ang ginawa ng bus driver na nambangga ng limang sasakyang nakahinto sa expressway tollgate nu’ng May 1.

Sampu ang napatay niya, kabilang ang limang bata. At 37 ang nasugatan. Katwiran niya ay nakatulog siya sa mani­bela. Pinatotohanan ito ng mga pasahero ng bus, na naka­pansing aantok-antok nga siya sa pagmamaneho.

Agad siyang isinailalim sa alcohol test. Hininga lang naman ang kailangan. Pero tumanggi siya sa drug test nu’ng una. Ihi ang kailangan dito. Ku’ng hindi pa umangal ang madla, hindi siya oobligahin ng may-ari ng bus company na mag-drug test —at nag-negative naman.

Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office photo

Dapat tinanong ku’ng may ininom siyang gamot na naka­kaantok. Dapat may patakaran ang bus company na sigu­ra­duhing nakasapat na tulog ang drivers bago bumiyahe. At dapat ipatupad ng awtoridad ang limitasyon sa oras ng tuluy-tuloy na pagmamaneho.

Nakakalungkot na kinakailangan pang may mamatay bago magising ang lipunan. Nu’ng Mayo 4 dalawang tao, isa ay apat na taong gulang na batang babae, ang namatay sa sagasa ng SUV sa bangketa ng NAIA 1. Nadiskubre na subs­tandard ang bollards na ikinabit nu’ng 2019.

Mas maraming namamatay sa aksidente sa mahihirap kaysa mayayamang bansa. Mahigpit ang batas ku’ng ma­unlad ang lipunan.

Sa America, halimbawa, dalawang taong kulong agad ang nadadakip sa drunk driving. Mas malala kung may na­­bangga, nasagasaan, o nasira.

Sa Pilipinas aregluhan agad. Halos walang naparuru­sahan.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ROAD

SAFETY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »