^

PSN Palaro

3 silvers binuhat ni Ando sa China

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
3 silvers binuhat ni Ando sa China
Nagsumite ang Cebuana weightlifter ng 102 kilos sa snatch, 130 kilos sa clean & jerk para sa total lift na 232 kilograms at pumangalawa kay gold medalist Li Shuang ng China.

MANILA, Philippines — Tatlong silver medals ang binuhat ni two-time Olympian Elreen Ando sa women’s 64-kilogram division sa 2025 Asian Weightlifting Championships sa Jiangshan, China.

Nagsumite ang Cebuana weightlifter ng 102 kilos sa snatch, 130 kilos sa clean & jerk para sa total lift na 232 kilograms at pumangalawa kay gold medalist Li Shuang ng China.

Bumuhat ang Chinese ng 105 kilos sa snatch, 134 kilos sa clean & jerk para sa total lift na 239 kilograms para sa gold  habang nakuntento sa bronze si South Korean Mun Minhee na may total lift na 214 kilos mula sa 94 kilos sa snatch at 120 kilos sa clean and jerk.

Ang 26-anyos na si Ando ng Carreta, Cebu City ang isa sa mga inaasahan ng Samahang Weightlif­ting ng Pilipinas (SWP) na makakalahok sa 2028 Olympics sa Los Angeles, California.

Kumuha ang 2023 SEA Games gold medal winner, ng silver sa Asian Championships sa Tashkent noong 2020 (-64kg) at 2024 (-59kg) editions.

Idinagdag ni Ando, lumahok sa nakaraang 2021 Tokyo at 2024 Paris Olympic Games, ang kanyang tatlong silver sa naunang tatlo rin ni Rosegie Ramos sa women’s 49kgs at sa isa ni Fernando Agad Jr. sa men’s 55kg.

Pumuwesto ang Pinas sa seventh place sa overall medal tally sa nakulimbat na pitong silvers at pitong bronzes sa torneo.

Hangad ni Kristel Ma­crohon na mabuhat ang unang gold medal ng bansa sa kanyang pagsabak sa women’s 71kg division ngayon.

Nangunguna ang China sa medal standings sa kinolektang 13 gold, 6 silver at 7 bronze medals kasunod ang North Korea na may limang ginto at isang pilak.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »