Taduran patutulugin si Shigeoka sa rematch

MANILA, Philippines — Hangga’t maaari ay gustong pabagsakin ni Pinoy world minimum­weight champion Pedro Taduran si Japanese challenger Ginji­ro Shigeoka sa kanilang re­match.

Kapag kasi nauwi sa 12 rounds ang kanilang laban ay delikado ang tsansa ni Taduran kay Shigeoka na ti­nalo niya noong Hulyo ng nakaraang taon sa Tokyo, Ja­pan.

“Talagang inisip ko lang i-knockout siya kahit anong rounds,” sabi kahapon ni Ta­duran (17-4-1, 13 KOs) na idedepensa ang kanyang Inter­national Boxing Federation (IBF) minimumweight crown kon­tra kay Shigeoka (11-1-1, 9 KOs) sa Mayo 24 sa Osaka, Ja­pan.

Sa kanilang unang pag­haharap ay umiskor ang 28-anyos na si Taduran ng isang ninth-round technical knockout win para agawin sa Japanese ang hawak nitong IBF title.

“Ang pinagplanuhan na­­min ni coach Carl (Peña­losa Jr. ) is ‘yung game plan namin sa laban. Naisip na­min na tatakbo ‘yung kalaban, kaya may gagawin kami dun sa laban namin, kung babaguhin ‘yung laban,” dagdag ni Taduran.

Bilang preparasyon kay Shigeoka ay sumabak si Ta­duran sa 120 sparring rounds.

“Ang kalaban namin, ang gusto lang, suntok-alis, suntok-alis. Pagkatapos ng 12 rounds, delikado na kami. Kaya, knock out talaga ang target namin,” ani Peñalosa.

Show comments


OSZAR »