Tolentino bibili ng track bikes para sa velodrome

MANILA, Philippines — Kasalukuyan nang naghahanap si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino ng mga track bikes para sa pagkumpleto sa Tagaytay City Velodrome ang unang indoor track cycling facility ng bansa na angkop sa International Cycling Union (UCI) standard.
Nakatakdang ilunsad ni Tolentino ang velodrome ngayong buwan kasabay ng pagdiriwang sa Tagaytay City Foundation Anniversary.
“It’s a dream, not only to make Tagaytay City as a cycling and sports hub, but to help bring back the glory the Philippines enjoyed in the past,” ani Tolentino na pangulo rin ng PhilCycling.
Nasa Bangkok, Thailand ngayon ang POC chief para sa Southeast Asian Games Federation meeting.
Idaraos ang 33rd edition ng SEA Games sa Disyembre, at habang nasa Bangkok siya ay nakipag-usap si Tolentino kay Thai cycling federation president General Decha Hemkasri para sa pagbili ng track bikes na gagamitin sa velodrome.
“Road cycling? We got technical and treacherous climbs. BMX? We got the UCI-homologated BMX Racing track, the only one in the country. Freestyle? We got the park right beside the BMX track,” wika ni Tolentino na Mayor din ng Tagaytay City.
Magsasabak ang PhilCycling ng dalawang men at isang woman cyclists para sa Thailand SEA Games omnium event.
“Pardon the pun, but we are on track,” dagdag ni Tolentino.
Sa pagkakaroon ng bagong velodrome ay nakahanay na ang Pilipinas sa Japan, Indonesia, Malaysia, Thailand, Chinese Taipei, South Korea at India bilang mga Asian countries na may pasilidad.
Ginawa ang velodrome ng Canadian company Junek Velodrome, ang may-aring si Peter Junek ang isa sa tatlong designers sa buong mundo na kinikilala ng UCI.
Ang nasabing 250-meter wooden track ay mayroong 7.1-meter width at angkop para sa high-speed cycling.
- Latest