Eala bigong makapasok sa semifinals ng Ilkley Open

MANILA, Philippines — Minalas si Alex Eala sa kanyang quarterfinal match kontra kay reigning champion Rebecca Marino ng Canada, 6-1, 0-6, 6-7 (4-7), sa WTA 125 Ilkley Open kahapon sa Great Britain.

Kinapos ang Pinay netter sa hangad niyang pagpasok sa semifinals.

Dinomina ng 20-anyos na si Eala ang first set, 6-1, bago nakatabla ang 34-anyos na si Marino sa second frame, 6-0.

Pumalag si Eala sa third set kung saan siya nakatabla sa 6-6.

Ngunit ginamit ni Marino ang kanyang malawak na eksperyensa para tuluyang angkinin ang panalo.

Lalabanan ni Marino sa semis ang sinumang ma­na­nalo kina Amarni Banks ng Great Britain at Celine Naef ng Swit­zerland sa isa pang quarterfinals game.

Si Marino ay minsang pu­­muwesto sa No. 38 sa buong mundo at dalawang beses na hinirang na Female Player of the Year ng Tennis Canada.

Nagmula naman si Eala sa 6-1, 6-2 demolisyon kay Valentina Ryser ng Switzerland sa Round of 16 noong Hu­webes para makapasok sa quarterfinals.

Nauna nang pinatumba ni Eala si Fil--Australian Li­­zette Cabrera, 7-6 (7-4), 6-3, sa una niyang laro.

Bago ang kanyang mga panalo sa Ilkley Open ay apat na su­­nod na kabiguan ang nalasap ni Eala sa huling apat na torneong nilahukan niya.

Kasama rito ang pagka­katalsik niya sa French Open main draw.

Show comments


OSZAR »