Pinay spikers sasagupa sa Sichuan
MANILA, Philippines — Muling sasalang sa bigating laro ang Alas Pilipinas sa pagsagupa sa Sichuan Wuliangchun ng China sa 2025 VTV International Women’s Volleyball Cup sa Vinh Phuc, Vietnam.
Lalabanan ng Nationals ang mga Chinese spikers ngayong alas-5:30 ng hapon.
Ito ang ikalawang laro ng Alas Pilipinas sa torneo matapos sagupain ang Vietnam kagabi.
Matapos ang Sichuan Wuliangchun ay kakatagpuin ng mga Pinay hitters ang Australia bukas ng alas-3 ng hapon.
Ipinarada ni Brazilian coach Jorge Souza de Brito sina Fil-Ams Brooke Van Sickle at MJ Phillips ng Petro Gazz at Choco Mucho rookie setter Tia Andaya.
Ito ang unang pagkakataon na maglalaro sina Van Sickle, Phillips at Andaya sa Alas Pilipinas.
Hindi isinama ni de Brito sa official 14-woman line up sina collegiate stars Angel Canino, Bella Belen, Alyssa Solomon at Shaina Nitura.
Ihahanda kasi ng Brazilian mentor ang apat para sa darating na Southeast Asian Volleyball League (SEA V.League) na nakatakda sa Agosto.
Ang 1st leg ng SEA V.League ay idaraos sa Vietnam habang ang 2nd leg ay dadalhin sa Thailand.
Ang lahat ng mga sinasalihang international tournaments ng Alas Pilipinas ay bilang bahagi ng kanilang preparasyon para sa 33rd Southeast Asian Games sa Disyembre sa Thailand.
Nagreyna ang mga Pinay sa SEA Games noong 1977, 1979, 1981, 1985, 1987 at 1993.
Pinay spikers sasagupa sa Sichuan
Russell Cadayona

- Latest