^

Probinsiya

73-anyos lolo kinatay ng 78-anyos kapitbahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CALAUAG, ­Quezon, Philippines — Naging mitsa ng kamatayan ng isang 73-anyos na lolo ang ginagawa nitong pagbabakod sa sinasakang lupa nang saksakin ng kapitbahay na isa ring lolo kamaka­lawa ng umaga sa Purok 5, Barangay Kapalaran ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan ay kinilalang si Lolo Francis, habang naaresto naman ang suspek na si Lolo Leo, 78-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Calauag Police, dakong alas-7:30 ng umaga ay binabakuran ng barbed wire ng biktima ang lupang kanyang sinasaka nang lapitan at komprontahin ng suspek.

Sa gitna ng mainitan nilang diskusyon ay binunot ng suspek mula sa beywang nito ang isang 19 pulgadang habang gulok at inundayan ng saksak ang biktima.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek na nakapiit na sa municipal jail.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »