^

Probinsiya

11-anyos nagpatuli, tepok sa anesthesia!

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
11-anyos nagpatuli, tepok sa anesthesia!
Sa report, matinding dalamhati ang dinaranas ng mag-asawang sina Marlon at Jenny Reaño sa pagkawala ng kaisa­isa nilang anak na si L.A . Reaño.
STAR/File

MANILA, Philippines — Gumuho ang panga­rap ng isang mag-asawa para sa kanilang 11-anyos na anak na batang lalaki matapos masawi nang turukan ng ikalawang anesthesia habang tinutuli sa isang klinika ng isang pinaniniwalaang doktor sa Mulanay, Quezon, ayon sa naantalang report kamakalawa.

Sa report, matinding dalamhati ang dinaranas ng mag-asawang sina Marlon at Jenny Reaño sa pagkawala ng kaisa­isa nilang anak na si L.A . Reaño.

“Sobrang sakit po. Gumuho ang mundo para sa amin dahil ang kaisa-isa naming anak po ‘yun,” pahayag ni Marlon.

Sa pahayag ng mag-asawa, naganap ang insidente sa isang klinika sa Mulanay, Que­zon kung saan ang proseso ay kanilang kinunan pa ng video.
Gayunman, sinabi nila na bago pa man masi­mulan ang pagtutuli ay nangisay na agad ang kanilang anak nang bigyan ito ng ikalawang anesthesia hanggang sa malagutan ng hininga.

Inihayag pa na tatlong taon silang naghintay bago nabiyayaan ng anak at hindi nila sukat akalain ay babawiin din agad ang buhay nito sa isang iglap lamang dulot ng tuli kaya desido silang dumulog sa National Bureau of Investigation at maghain ng kasong kriminal.

Kaugnay nito, ipatatawag ng NBI ang doktor na nagtuli sa isang 11-anyos.

Ayon kay NBI Deputy Director at spokesperson Ferdinand Lavin, hawak na ng NBI-Homicide Investigation Division (HID) ang kasong idinulog ng mag-asawang Jenny at Marlon Reaño.

Sinabi naman ni NBI Director Judge Jaime Santiago, na padadalhan ng subpoena at summon ang ‘di pa tinukoy na pangalan ng doktor ng isang klinika, upang pagpaliwanagin hinggil sa reklamo ng mag-asawa na dalawang beses tinurukan ng anesthesia ang kanilang anak.

Masusi ring iimbestigahan kung bakit dalawang ulit nabigyan ng ­anesthesia sa bata at kung anong dosage na itinurok dito na naging­ dahilan ng pangi­ngisay at kagyat na pagkamatay nito.

“Ayon nga sa ating­ medico-legal, ‘yung pagkaka-inject na ‘yun parang hindi tama. nagkaroon ng enurysm at parang naapektuhan ‘yung utak agad ng bata, eh patay agad,” ani Santiago sa panayam ng GMA news noong Biyernes.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »