^

PSN Showbiz

BINI, may variety show na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
BINI, may variety show na!

Unli-saya at bonding ang handog ng BINI sa kanilang pagsabak sa una nilang variety show na BINIversus, na libreng mapapanood worldwide sa BINI YouTube channel simula Miyerkules (Mayo 28) ng 8 p.m. (Manila time).

Sasalang na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa iba’t ibang masasayang challenges kung saan ang BINI mismo ang magsasalitan sa pagiging game masters at players kada episode.

Tiyak na kaaaliwan ng Blooms ang BINIversus dahil bibida rito ang kalog side ng bawat miyembro kung saan magpapakitang-gilas ang mga ito sa iba’t ibang challenges na swak sa kani-kanilang BINIverse tampok ang mga personal na interes at hilig ng girls.

Samantala, pwede ring masaksihan ang extended kulitan moments ng BINI sa BINIverse Chaos: Unreleased Scenes. Tampok dito ang eksklusibong episodes ng bloopers at never-before-seen scenes ng variety show, na mapapanood lamang ng Super Kapa­milya members sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel simula Mayo 30 (Biyernes).

Patuloy ang pagbibigay saya at inspirasyon ng BINI sa lumalawak nilang pamilya na Blooms. Sa ngayon, nagsimula na ang kanilang BINIverse World Tour.

BINI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »