Korean actor na si Cha Eun-Woo, papasok na sa military service

Ahhh papasok pala sa mandatory military service ang Korean actor na si Cha Eun-woo sa Hulyo 28.
Cutesy si Cha Eun-woo na minsan ay nakikita ang mga billboard niya na may hawak na kape.
Tama ba, siya ‘yun.
Hahaha.
Ganern. Alam n’yo naman me, basta memoryado ko ang mukha, pero hindi ko alam ang pangalan.
At lalong hindi ko maalala ang mga palabas nila. Basta pag nakita ko ang mukha nila, nakikilala ko.
Bwahahaha.
MTRCB employees, protektado ang mental health
Nagdaos pala ng Psychoeducation Seminar nitong Lunes, Mayo 26, ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para mapaigting ang kaalaman ng mga empleyado ng Ahensya tungkol sa mental health awareness.
Parte raw ng inisyatiba ng Board sa ilalim ng pamumuno ni Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na mapangalagaan ang kalusugan sa MTRCB.
Pinangunahan ni Pat Ramirez, isang rehistradong psychometrician, ang talakayan tungkol sa mental health awareness, stress management, at mga batayang batas sa Ahensya.
Bongga, at least siguradong hindi sila magkakaroon mental health issues.
Importante nga naman ito sa kasalukuyan lalo na sa malalang epekto ng social media sa ating lahat.
‘Di ba importanteng pangalagaan ang ating utak para maging malusog ang ating buhay.
Kaya ako alaga ko ang mental health ko.
Pero mas lulusog talaga ang isip at katawan ko kung may mahaharbat pa more ako. Hahaha. ‘Yun lang at babu na.
- Latest