Korina nagsalita sa ‘news’ na nagkaanak kay Sen. Lacson, maiksing relasyon kay PNoy kinumpirma!

Walang magawa si Korina Sanchez sa isang AI video na sumasayaw siya ala-BINI na kumalat kamakailan na siyang-siya talaga ang hitsura. Na kung gullible ka at hindi mapanuri, sasabihin mong si Korina Sanchez ‘yun.
Kaya naman natanong siya kung anong opinion niya sa malalang problema ng fake news sa bansa. “You know, unless Meta itself self-regulates the information that goes on online, there’s nothing you can do about it,” mabilis niyang sagot.
“Wala kang magagawa. I think, unless something really, really catastrophic happens, there’s not going to be any regulation.”
Dagdag pa niyang komento: “Imbes na idisiplina, tinanggal nga ng Meta ang fact-checking, right? ‘Yung fact-checking component nila, tinanggal nila. So, all you can do is to police yourself and to make sure that the news that you consume, you have all sides to it. You double-check.”
Maaalalang binuwag ng Meta ang malawak nitong programa sa fact checking last January.
Maraming beses na aniya siyang nabiktima ng fake news, ‘yung tipong may nagpapadala sa kanya ng story na ‘pag chineck niya ay hindi pala totoo. “So I guess parang it’s still… the best source to look at, for me, ha — television. Because television has a hierarchy of accountability. So in television, if you get in trouble, you can get sued.”
Katwiran pa niya, alam mo ang may-ari ng platform at puwede mo silang habulin bukod pa sa may check ang balance sa batas.
Pero pagdating sa online, work in progress pa rin ang pakiramdam niya. “So the best source I think still is articles with a byline.”
Nagkomento rin siya sa mga nagsulputang vlogger na animo’y opinion maker particular na noong nakaraang election. “It’s bothersome if it is a lie. It is bothersome if it is made-up, right? Or if it is presented as fact when it is unchecked information, unverified. Or if it is opinion passed on as fact,” sabi niya kaagad.
Bagama’t naniniwala rin naman siyang hindi perpekto ang mainstream media. “Kasi puwede kang ihabla, e. Puwede kang ihabla because there’s an entity that you can actually make accountable,” katwiran niya.
Sa kasalukuyan aniya pinag-aaralan ni Mar Roxas ang anatomy ng fake news.
“Parating nanonood ng vloggers. Matutulog na lang kami. Napapanaginipan ko na nga. Sabi ko, ‘Bakit ba ‘yan ang panghele natin para makatulog?’ Parang ‘yun ang lullaby niya.
“Sabi niya, ‘I’m just fascinated with how they’re able to tweak the story, the narrative to their advantage, and they’re succeeding,’” pagkukuwento niya tungkol sa mister.
Pero ano bang pinakamalalang fake news na ibinato sa kanya?
“Ahhhh! Parang may anak daw ako kay Ping Lacson?! Ano ba?!
“Hindi ba, may ganoon? May ganoon ako dati, ha? Dati. Pero iyon ang naaalala ko na, ‘Ano?!’ Hindi ba?” sabay tawa ni Ms. Koring.
Hanggang naitanong namin kung fake news ba ‘yung sinasabing relasyon nila noon ng nasirang si pangulong Noynoy Aquino na hindi masyadong pinag-usapan dahil walang masyadong nagbibigay ng detalye that time?
“Naging boyfriend ko talaga si PNoy. Baka iyan ang headline mo, magalit sa akin ang asawa ko!” natatawa uling sagot ng Rated Kween of Multimedia Platforms sa kasalukuyan dahil sa anim niyang programa sa iba’t ibang platform.
“Totoo iyon. Pero it was so short-lived. Parang we were together for eight months. That’s my shortest ever. Kasi ako, ‘pag nagka-relasyon, five years, seven years. Ganoon. Eight months, e, anak ng Presidente. Andaming option.
“Hahahaha ‘di ba? Saka hindi na kami nagkikita,” sabi pa niya.
Pero ‘yung papasok siya sa pulitika, fake news ba ‘yun? There was a time na parang based sa survey, ang taas mo sa survey kung kakandidato kang senador?
“Oo, parati kaming 1, 2, 3. Pero parang ang gulo ng pulitika ngayon. Parang nakakatakot sumabak nang hindi ka ganun kalakas, ‘yung paninindigan mo. Kasi parang hihilahin ka left or right. Eh, parehong... Can you really stand to be an independent? Will the system really allow independent-minded people to make it? We have a new machine that we don’t know anything about. Ngayon may mga naglalabasang mga nakaka-discover ng hacking, ng ganito. Parang sayang ang effort and pera kung hindi rin totoo ‘yung lalabas. I’m not questioning the results. I’m just hearing it from all of these protesters now. Nati-trace nila talaga. So, parang okay na tayo dati. Alam na natin kung paano maniobrahin ‘yung dating makina. Biglang pinalitan. Hindi mo na naman alam paano mo ito mamaniobrahin. Ito, may naririnig ako baka palitan na naman in the next election. It depends. The political climate now is so fluid. ‘Di ba? Marcos against Marcos, Ortega against Ortega, Binay against Binay. Hindi mo na masabi. So, until the climate is good enough, parang bakit ka naman mag-i-invest?” paliwanag pa niya.
So at this point walang pwedeng mag-convince?
“Not yet, ang tagal pa. Tatlong taon pa. Kakatapos lang ng election. Tingnan muna natin papaano ba ito.”
- Latest