^

PSN Showbiz

Stars on the Floor, hahataw na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Stars on the Floor, hahataw na
Marian Rivera.
STAR/ File

Malapit namang mag-umpisa sa GMA Network ang Stars on the Floor—ang pinakabago at pinakamalaking dance reality competition sa telebisyon na mapapanood na simula Hunyo 28.

Pinangungunahan ito ng Asia’s Multimedia Star at Box-Office King na si Alden Richards, na host ng show.

At magsasama-sama sa Stars on the Floor, ang ilan sa mga pinakamahuhusay na celebrity perfor­mers at ang mga sikat at patok na digital dance stars sa iisang entablado.

Kaya’t hindi lang daw ito basta kumpetisyon, ito ay isang selebrasyon ng talento at kakaibang mga collab na magpapasaya sa lahat.

Makakasama rito ang limang celebrity dance stars na kilala na sa kanilang galing sa pagpe-perform.

Ang aktres na si Glaiza De Castro na galing sa musical variety shows, ay magdadala ng passion at elegance sa dance floor habang si Rodjun Cruz na isang dancer, ay laging umaapaw sa energy at confidence.

Si Faith da Silva, na mapapanood sa TiktoClock at Sang’gre, ay magdadala ng sarili niyang galing at energy sa dance floor.

Si Thea Astley, isang powerhouse vocalist mula sa All-Out Sundays at kilalang personalidad sa musical theater, ay maghahatid ng matinding performance at stage presence sa entablado.

At si VXON Patrick, na kamakailan ay kinilalang Male Dancer of the Year sa P-Pop Awards, ay patutunayan na ang idol training ay kayang-kaya ring mangibabaw sa TV.

Habang sasamahan sila ng limang sikat na dance content creators sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Si Zeus Collins, isang social media star, ay kilala sa kanyang karisma at hatak sa masa.

Si Dasuri Choi naman ay isang Korean dancer na based sa Pilipinas at may higit 15 milyong followers sa TikTok, dala ang K-pop precision at polish.

Si Kakai Almeda, isa sa viral treadmill dancing twins, ay maaasahang magbibigay ng saya at si JM Yrreverre, na sumikat sa Lagabog Dance, ay isang dancer na lumalaban sa international competitions at ngayon ay mapapanood na sa TV.

At si Joshua Decena, na nakilala sa social media dahil sa kanyang dance covers at dance classes, ay magdadala ng astig at dynamic na galaw sa grupo.

Linggo-linggo, magsasama ang mga celebrity at digital dance stars para harapin ang mga dance challenge na may kakaibang tema tulad ng Dance Style X Movie Genre, Dance Style X Props, o  Dance Style X Sports. Walang natatanggal, pero mahigpit ang laban dahil kailangan nilang makakuha ng mataas na puntos para umangat sa leaderboard at manalo ng premyo para sa napili nilang charity.

Ang kumpetisyon ay gagabayan ng isang powerhouse panel na tinatawag na The Dance Authority na pangungunahan ni Marian Rivera, Kapuso Primetime Queen, na naghahanap ng emosyon at lalim sa bawat performance. Kasama rin dito si Pokwang na nagsimula bilang professional dancer at choreographer bago sumikat bilang komedyante.

At si Coach Jay Joseph Roncesvalles, ang master choreographer sa likod ng SB19 hits, na titimbang sa technique, creativity, at galing ng bawat duo.

Bawat performance ay binubuo sa tulong ng mga magagaling na dance coaches, sa pangunguna ni MJ Arda, ang kilalang head choreographer at co-founder ng A-Team dance crew. Mula hip-hop at ballroom hanggang Latin at jazz, asahan ang makulay at energetic na performances bawat linggo, na mas pinasaya pa ng teamwork ng mga dancer at choreographer nila.

Ang Stars on the Floor ay hindi lang palabas sa primetime—isa rin itong digital movement. Mapapanood ito sa TV at online, kung saan may exclusive behind-the-scenes content, rehearsal videos, at iba pang digital na pasabog. Kasama sina Sparkle artists Lexi Gonzales at Shan Vesagas, bibigyan nito ang fans ng front-row view sa bawat sayaw, galaw, at kwento sa likod ng entablado.

Magsisimula na sa Hunyo 28 ang Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m., sa GMA Network.

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »