^

PSN Showbiz

Alden, masusubukan sa ‘floor’...

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alden, masusubukan sa ‘floor’...
Alden Richards
STAR/File

Mapapanood na simula June 28 ang Stars on the Floor na bagong programa ni Alden Richards. Ang Kapuso actor ang host ng bagong reality dance show ng GMA Network. “The show is special and gives us something different in the world of dance. I think for the record, this is the best show I’ve hosted in GMA, in my history as a host, so far,” nakangiting bungad ni Alden.

Palagi raw excited ang Asia’s Multimedia Star sa tuwing pupunta sa taping ng naturang programa. Para kay Alden ay talagang magaan sa pakiramdam ang kanilang buong grupo sa trabaho ngayon. “The energy inside of this show, from everyone that’s involved. From the creatives, to the staff and crew, to the star duos, to the dance authority, to everyone. Sobra kaming in one boat, and we bring out the best in each other. I think that’s why the whole show itself, the dances, the showcase of everyone, napapatungan siya ng extra and I feel that as a host. The energy that this show has helped me by a long shot. Sobrang ang daling trabaho. Saka uuwi ka­ming hindi pagod,” pagbabahagi ng Kapuso actor.

K Brosas, hindi nagsa-shopping ‘pag nasa abroad

Mula noon pa man ay talagang hilig na ni K Brosas na magbiyaheng mag-isa sa iba’t ibang bansa. Para sa singer-actress ay mas masayang pumasyal nang walang kasama sa mga lugar o bansa na kanyang pinupuntahan. “Pwede akong malungkot sa bahay, ba’t ako malulungkot sa abroad? Gagastos pa ako, tini-treat ko ‘yung sarili ko nang bonggang-bongga. Kasi wala namang magti-treat sa akin. It’s not for everyone. Let’s face it, hindi kaya ng lahat ng taong mag-travel solo,” paliwanag ni K.

Mas pinagtutuunan ng komedyana ang pag-iikot sa lugar kaysa bumili ng kung anu-anong mamaha­ling bagay para sa sarili. “Hindi ako mahilig sa mga bags, sapatos, tinigil-tigil ko muna. I love, love, love to travel. Hindi ako nagpupunta sa abroad para mag-shopping. Gusto lang talaga mag-tour at saka mag-food trip. Meron akong itinerary, meron akong tours na bayad na bago ako umalis ng Pilipinas. Ultimong taxi ko magmula airport hanggang hotel, bayad na lahat. Hindi ako nagta-travel agency. Lahat ‘yan ako lang kasi napakadali naman at mura. Kasi ‘pag sa travel agency, meron pa silang cut,” pagdedetalye niya.

Ipinagdiriwang ni K ngayong taon ang kanyang ika-dalawampu’t limang anibersaryo sa show business. Bilang selebrasyon ay gaganapin ang 25K concert sa July 27 sa New Frontier Theater. Lubos ang pasasalamat ng singer-actress dahil aktibo pa rin sa paggawa ng iba’t ibang mga proyekto. “Akala ko nga hindi ako aabot eh. Sa show business, marami ngayon ‘yung mga biglang sikat or ‘yung hindi naalagaan ‘yung mga blessing na binibigay sa kanila. So nakakatuwa ‘yung longevity, ‘di ba? Hindi mo kailangan ng sikat na sikat na career o palung-palo ka. Kahit paano hindi ka nawawala,” makahulugang pahayag ng singer-actress. (Reports from JCC)

ALDEN RICHARDS.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »