Mark Neumann,pangarap ang Incognito

Mula nang magkaroon ng anak ay hindi na masyadong aktibo sa show business si Mark Neumann. Anim na taong gulang na ngayon ang supling ng aktor na si Martin.
“It’s just one pa lang naman. So I wanted to step aside to take care properly of my son. And also do some business on the side and learn other things in life,” bungad ni Mark.
Maraming mga bagay na ang natutunan ng aktor mula nang maging isang ganap na ama. “Well, patience was stretched a lot because every child is different. Every father has a different technique. Whatever you were able to pick up from your childhood, you take it and then you improve on it to become a better father and basically become a better version of yourself,” paliwanag niya.
Kabilang si Mark sa pelikulang Beyond The Call of Duty na malapit nang mapanood sa mga sinehan. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap ang aktor na makasama sa isang serye ng ABS-CBN. “Incognito sounds awesome. I see that they use foreign stuff. So, I’m German, basically I speak German. I do have some language skills if they need that. And action, weapons, I have no problem because I did that before. I trained before with weapons and martial arts. And I mostly do my own stunts. Before I was active, I did martial arts training, then football, parkour, all that stuff before when I was younger. Now, I’m about to get back to it,” pagbabahagi ng aktor.
Raheel, idinenay si Jillian
May bulung-bulungan na nanliligaw na diumano si Raheel Bhyria kay Jillian Ward. Unang nagkatrabaho sina Jillian at Raheel sa Abot-Kamay na Pangarap noong isang taon. Mas naging malapit sa isa’t isa dahil magkasama naman ngayon ang dalawa sa Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Anton Vinzon, Bruce Roeland, Raheel at Kokoy de Santos.
Ayon kay Kokoy ay mayroong nagbago sa kanilang taping nang mapasama si Jillian sa serye kamakailan lamang. “Actually, bago pumasok si Jillian sa Mga Batang Riles, grabe ‘yung bonding namin eh. Grabe, as in, laging sama-sama kami. Action, after ng fights, hindi kami maghiwalay kahit pack-up ng isa, maghihintay ‘yan. Dumating si Jillian, Tito Boy. Etsapwera kami, noong time na ‘yon, okay lang. Binibigyan namin siya ng time. Tapos bigla siyang lumapit sa ‘min, ‘Boy, na-miss ko kayo ah.’ Nakakatampo, pare,” nakangiting kwento sa amin ni Kokoy sa Fast Talk with Boy Abunda.
Agad namang dinepensahan ni Raheel ang sarili nang marinig ang kwento ni Kokoy. “Hindi ko kayo inetsapwera. Ano kasi siya eh, bisita natin, ‘di ba? Hospitality, kailangan nating iparamdam sa kanya, na parang komportable po siya at safe po siya,” giit ni Raheel.
Tuluyan na nga bang nanliligaw ngayon ang baguhang aktor sa dalaga? “Hindi po ako nanliligaw. Pero ang ginawa ko po is, bilang respeto po kay Jillian, lalo na tinanggap niya po ako nang maganda at maayos sa Abot-Kamay. Gusto ko rin po i-return ‘yung favor,” paglilinaw ng Kapuso actor. (Reports from JCC)
- Latest