Janine malungkot pa rin, praning ‘pag may sakit

Praning pala si Janine Gutierrez pagdating sa kanyang kalusugan.
Lalo na at magkakasunod ang mga nawala sa kanilang pamilya – nauna ang kanyang lolang Asia’s Queen of Song Pilita Corrales, Superstar and National Artist niyang lola, Nora Aunor at ang tito niyang mahusay na actor and director, si Ricky Davao.
Ito ang kanyang inamin kahapon nang ipakilala siya bilang new brand ambassador ng iCare, ang affordable HMO sa bansa na nagkaroon ng media launching na ginanap sa St. Luke’s Medical Center.
Doon nga nasabing launching binigyang diin ni iCare President and CEO Geronimo Francisco ang deep impact ng healthcare sa buhay ng mga bawat Filipino.
At ang pagkuha nila kay Janine bilang brand new ambassador “aligns with company’s hope, dignity and courage to say yes to better health. She is a voice of purpose, and we are honored to have her amplify our message.”
Last April 9 nag-yes si Janine habang may lumalayag na 10 orange-sailed paraws sa Boracay, Araw ng Kagitingan noon na aniya ay isang intentional decision upang alalahanin ang katapangan at lakas na kailangang bigyang halaga ang kalusugan ng lahat sa kasalukuyang sistema ng buhay na parang lahat ng tao ay abala.
Ang nakakatawa, napagkamalan pang engagement announcement ‘yun nina Janine at Jericho Rosales ang nasabing ‘yes’ ni Janine.
“At iCare, our mission is simple but urgent – to provide affordable and accessible HMO solution that empower every FIlipino to say yes to better health. We want individuals and companies to know that with iCare, quality care doesn’t have to come with a heavy coast,” sabi pa ni Mr. Francisco.
Sakitin ba siya nung bata siya?
“Hindi po ako sakitin pero nung nagkasakit po kasi ‘yung yaya ko, parang dun ko talaga nakita ‘yung hirap na magkasakit lalo na kung may babayaran kang malaki, ‘di ba?”
Ito ‘yung nabanggit ni Janine na nag-showbiz talaga siya para sa yaya niyang nagkaroon ng cancer noon.
Paranoid ka ba when it comes to health? ‘Yung tipo na ‘pag may nararamdaman siya sumusugod kaagad siya sa ER, hypochondriac ganun, ‘yung tao na anxious about their health?
“Hindi naman, parang ngayon na lang po nung tumanda ako kasi nung nagwo-work na, dun ko po talaga naisip ‘yung halaga ng health. Syempre sa puyat dun ka na parang bumibigay,” sabi niya pa kahapon.
At naniniwala siya na kahit busy ka, dapat hindi mo ini-ignore kung meron nang nararamdaman. “Kasi ‘di ba ‘pag kailangan mong magtrabaho imbes na you take a sick day, ‘kaya na ‘to,’ ganun na lang pero ang dami ko na kasing nakita na because they ignored a small problem, lumaki nang lumaki hanggang sa lumala so I’ve always believed that prevention is better than cure.
“And when it comes to your health kailangan mo talaga ng support, ng peace of mind na I can continue working because if ever I do have a question with my health or God forbid may aksidente sa set or anything, hindi ako mag-aalala sa babayarin ko. I can just focus on getting better. Kasi syempre ang dami ko na ring nabisita na kamag-anak sa ospital or loved ones sa ospital na imbes na mag-focus sila sa ‘magpapahinga ako,’ ‘magpapagaling ako,’ ang nasa isip nila ‘paano ko babayaran ‘to?’ And hindi siya nakakatulong kasi mental health is as important as your physical health. So sobrang helpful to really have that partner. Even the liaison officer sa ospital na tutulungan ka sa papeles mo, it’s such a big deal. Or ‘yung Telemed 7 na I can ask the doctor anytime ‘ok lang ba ‘to?,’ ‘pwede po ba akong pumasok sa work bukas?’ kasi syempre iisipin mo din ‘am I endangering my co-workers sa pagtuloy ko sa trabaho,’” paliwanag ng actress tungkol sa importansiya ng health insurance.
“So ayun I think na it’s really just so important to have that support system and makinig ka sa katawan mo. ‘Wag mong i-ignore kung meron kang karamdaman. Prevention is better than cure and ask your doctor,” pagdidiin pa ng actress.
At nang kumustahin siya sa kasalukuyan matapos ang magkakasunod na pagluluksa sa kanyang pamilya?
“Syempre malungkot pa rin. Sobrang [malungkot] kasi nagsabay-sabay. Parang we lost three family members in three weeks. No, there are good days and there are bad days. But it’s also a testament to how important family is. Kasi talagang naramdaman namin ‘yung support ng isa’t isa. Actually, medyo parang kinakabahan ako kanina coming here to St. Luke’s because my uncle was here in the ICU here (Ricky). So parang medyo fresh pa.
“Pero I guess it’s also part of my message rin na, you never really know what’s gonna happen. And no matter how prepared you think you are, it’s so important to have people to rely on na masasandalan mo. Para kung hindi ka okay today, edi sila ‘yung haharap sa tao today. Or kung may tanong ka, I mean, I’m so grateful to doctors and to healthcare. Kasi napakalaking bagay. It’s really life or death sometimes. So parang ‘yun na yata talaga ‘yung message ko sa mga tao now na, really take care of your health and live life to the fullest. And always find the best partner. Parang at the end of the day, it’s really the people around you na talagang makakaangat sa ‘yo in times of need,” sabi ni Janine habang naiiyak-iyak.
Bukod sa kanyang good health, of course, secure rin ang puso ni Janine sa piling ni Jericho Rosales na ang balita nga ay plano na siyang pakasalan ng aktor.
- Latest