Chad kinis, tinalakan sa morbid post

Iba’t iba ang reaction sa post ng komedyanteng si Chad Kinis na nakalagay sa black and white artcart na “We regret to inform you that our beloved Chad Kinis has passed 2 years of being single.”
Habang may caption itong “ikinalulungkot po namin na ipagbigay alam”
May ilang mga hindi nagbasa ng post kaya’t nag-condolence kay Chad.
Meron naman tinalakan ang komedyante dahil asan daw dun ang nakakatawang bahagi. Pero meron din naman na tanggap na sa panahon ngayon, joke joke na lang ang death for their social media content.
Pero mas maraming kinabahan dahil ganun ang hitsura ng mga art card ng mga pumanaw sa showbiz na kamakailan lang ay sunud-sunod.
Nakabanggit naman doon na parang magpapa-contest ang komedyante.
- Latest