^

True Confessions

Hiyasmin (308)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PAWANG magaganda ang dala mong balita, Love,’’ sabi ni Dax habang patungo sila sa parking area.

“Una, na-meet mo ang kapatid ng iyong father at ikalawa, buntis ka. Ang gaganda! Masayang-masaya ako Love dahil magkaka-baby na tayo!”

“Malakas ang kutob ko na talagang buntis na ako, Love. Tuwing umaga, naduduwal ako. Tinatamad bumangon at naghahanap ako ng makakain na manibalang na mangga na may bagoong. Bukod sa mangga, gusto ko rin nang malutong na bayabas.”

“Aba, positibo ka na Love—’yan ang mga pa­la­tandaan na nagdadalantao ang babae.”

Napahagikgik si Hiyasmin.

“Para ka namang Ob-Gyne doctor kung magsalita. Tiyak mo na agad, ha-ha-ha!”

“Tiyak ako. At saka alam mo kung bakit sure na buntis ka na?”

“Ano?”

“Ang ganda mo! Naggo-glow ang mga mata mo at super kinis ng kutis mo.”

“Talaga?”

“Oo. Hiyang ka sa klima ng U.S., Love.”

“Parang gusto ko na ngang dun tumira, ha-ha-ha!”

“Puwede namang magbakasyon tayo roon,” sabi ni Dax. “May gagastusin tayo dahil marami akong ipon.”

“Love, hindi ka na gagastos—ako ang gagastos. Nalimutan mo na yata na heredera ako. Sabi nga ni Tita Mary, sa laki ng kayamanan na iniwan sa akin ni Papa, kahit hindi ako mag-work ay puwede.”

“Oo nga pala, Donya ka na nga pala, ha-ha-ha!”

“Hindi ko akalain na mangyayari ito Love.”

Pinisil ni Dax ang palad ni Hiyasmin.

 

KINABUKASAN, nagtungo sa isang Ob-Gyne doctor sina Hiyasmin at Dax.

Idinaan sa pregnancy test si Hiyasmin.

Ang resulta: positive!

Two months preggy na si Hiyasmin.

Masayang-masaya ang mag-asawa sa magandang balita.

(Itutuloy)

PAWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »