El Drountti sasalang sa Hopeful Stakes Race
MANILA, Philippines — Nagsaad ng pagsali ang El Drountti sa magaganap na 2025 PHILRACOM ‘1st Leg Hopeful Stakes Race’ na pasisibatin sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa darating na Linggo.
Makikipagtagisan ng bilis ang El Drountti kontra siyam na naghayag ng paglahok sa distansyng 1,600 meter race.
Gagabayan ni reigning back-to-back Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce ang El Drountti sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Nakalaan sa nasabing karera ang P1.5M guranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang iba pang makikipag-unahan sa finish line ay ang Babe In Hoblut, Brig Left Over, Elena Bell, Flaming June, Habebi Scout, He’s So Fine, Natasha, Robotic Clay at Sipocot Boy.
Kukubrahin ng magkakampeon ang P900,000, mapupunta sa pangalawa ang P300,000 habang P150,000, P75,000, P45,000 at P30,000 ang third hanggang sixth placers, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, ilalarga rin sa nasabing petsa ang ‘1st Leg Triple Crown Stakes Race’ na lalahukan naman ng 13 mahuhusay na batang kabayo.
- Latest