^

PM Sports

Eto na si LA sa coaching

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Hinog na nga ba si LA Tenorio upang tumalon sa coaching?

Sasalang na siya sa unang pagkakataon bilang primerang nagmamando ng isang koponan sa 2025 SEABA Under-16 Championship na magaganap sa May 24-30 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Baptism of fire ito kay Tenorio na walang ibang option kung hindi ipanalo ang National Youth sa harap ng home crowd.

Sa pagsalo ng responsibilidad na dating tangan ni Josh Reyes, dala ni Tenorio ang kanyang winning pedigree – pero bilang player at hindi bench tactician.

Dala rin naman niya ang wisdom at knowledge na malamang na na-absorb niya sa maraming winning coaches simula kay Ato Badolato, Joe Lipa, Joel Banal, Chot Reyes at Tim Cone.

Kaliwa’t kanan ang kanyang championships mula sa pagiging San Beda Red Cub at Ateneo Eagle, at hanggang sa tumalon sa PBL, PBA at pagiging Gilas Pilipinas mainstay.

Syempre, mataas ang paniniwala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na madadala ni LA ang kanyang winning tradition sa pagtalon sa coaching. At panimula nito ang paggiya niya sa National Youth na habol ang pag-qualify sa Asia Cup sa parating na weeklong event sa Pampanga.

Dumaan ang winning stint ni Kai Sotto at AJ Edu sa Youth Championships, at natapos na rin ang pagse-serbisyo ni Kiefer Louie Alas.

Ang tanong eh kung sino ang sasalo at tatangan ngayon ng baton para sa Phl U-16 team.

Pangungunahan ni UAAP Juniors MVP Gab delos Reyes (UE) ang koponan na may pinakamataas na player sa katauhan ni 6-foot-7 Prince Carino ng FEU Diliman.

LA TENORIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »