Marcial sa undercard ni Pacquiao
MANILA, Philippines — Magbabalik-aksyon si national boxer Eumir Marcial kontra kay American Alexis Gaytan sa undercard ng duwelo ni Manny Pacquiao at Mario Barrios ng Mexico para sa WBC welterweight title sa Hulyo 19 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Mismong si Manny Pacquiao (MP) Promotions president Sean Gibbons ang naghayag ng ring comeback ni Marcial matapos ang kanyang huling professional fight noong Marso 2023.
Sa naturang laban ay pinagbagsak ni Marcial si Thoedsak Sinam ng Thailand sa fourt round sa Ninoy Aquino Stadium para 5-0-0 record.
Sa kabilang banda ay may 17-10 card si Gaytan.
Sa isang eight-round, non-title middleweight fight magtutuos sina Marcial at Gaytan na magiging unang laban din ng Filipino pug buhat nang sumabak sa Paris Olympics noong 2024.
Dumating na sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California si Marcial para samahan sa training si Pacquiao at ang iba pang pambatong Pinoy fighters na sina Jerwin Ancajas, Mark Magsayo at Jonas Sultan.
- Latest