ICC judge sa kaso ni Digong kabilang sa pinatawan ng parusa ng Trump admin
MANILA, Philippines — Pinatawan ng parusa ni US President Donald Trump ang apat na hukom ng International Criminal Court (ICC), kabilang ang isang humahawak sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa umano’y crimes against humanity.
Ang pinatawan ng parusa ng administrasyong Trump ay sina Solomy Balungi Bossa ng Uganda, Luz del Carmen Ibanez Carranza ng Peru; Rene Adelaide Sophie Alapini Gansuo ng Benin at Beti Hohler ng Slovenia dahil sa hindi pagpapatupad ng warrant of arrest laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at ang hindi pagbubukas ng isang kaso kaugnay sa aniya ay mga krimen ng mga tropang Amerikano sa Afghanistan.
“As ICC judges, these four individuals have actively engaged in the ICC’s illegitimate and baseless actions targeting America or our close ally, Israel. The ICC is politicized and falsely claims unfettered discretion to investigate, charge, and prosecute nationals of the United States and our allies,” ani U.S. Secretary of State Marco Rubio.
Si Alapini Gansou ay kabilang sa mga hukon na humahawak sa kaso laban kay dating Pangulong Duterte at isa rin sa dalawang ICC judges na ipinadidiskwalipika ng kampo ni Duterte.
- Latest