^

Police Metro

50% ng pamilyang Pinoy, ‘mahirap’ ang tingin sa sarili – survey

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pang-masa
50% ng pamilyang Pinoy, ‘mahirap’ ang tingin sa sarili – survey
Individuals walk along the LRT Monumento Station during rush hour in Caloocan on May 15, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Batay sa pinakabagong survey na ipinalabas ng Social Weather Stations (SWS) na idinaos mula Abril 23 hanggang 28, 2025 ay nasa 50% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing “mahirap” sila.

Ayon sa SWS, ang naturang datos ay mas mababa ng limang puntos kumpara sa naunang survey na isinagawa mula Abril 11 hanggang 15, 2025.

Iniuugnay ng SWS ang pagtala nito ng 50% sa pagbaba ng datos sa Metro Manila at Mindanao, at pananatili ng parehong datos sa Mindanao at ­Balance Luzon.

Pinakamataas ang self-rated poverty sa Visayas na nasa 67%, habang pinakamababa naman ito sa Metro Manila na 33%.

Samantala, 8% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay nasa “borderline” o gitna ng pagi­ging mahirap at hindi mahirap, habang 42% naman ang nagsabing hindi sila mahirap.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews at nilahukan ng 1,500 Filipino adults sa buong bansa.

SWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »