10 pang essential na gamot, libre na sa VAT

MANILA, Philippines — Pinalawak ng Food and Drug Administration (FDA) ang listahan ng mga essential medicines na exempted sa 12% value-added tax (VAT), para mabawasan ang gastos ng mga Pilipinong nangangailangan ng kritikal na gamot.
Sa ilalim ng FDA Advisory No. 2025-0510, inirekomenda ng ahensya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na alisin ang VAT sa dalawang gamot para sa kanser, dalawa para sa diabetes, isa para sa mataas na kolesterol, dalawa para sa hypertension, at tatlong gamot para sa sakit sa pag-iisip.
Ang advisory ay epektibo simula noong Hunyo 4 kung saan kasama ang dalawang cancer medications, dalawang diabetes treatments, isang cholesterol-lowering drug, dalawa para sa hypertension, at tatlo para sa mental health disorders. Isa na rito ang Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium, isang combination therapy para sa mga cancer sa ulo, leeg, baga, at iba pang organs.
Idinagdag din para sa mga diabetic ang Metformin Hydrochloride + Teneligliptin — isang blood sugar regulator — kasama ang Atorvastatin + Fenofibrate para sa high cholesterol. Kasama rin ang hypertension treatments na Metoprolol tartrate + Ivabradine, at ang Lamotrigine para sa epilepsy at bipolar disorder.
Tinanggal naman ng FDA ang Baricitinib, isang cancer drug, sa VAT-exempt list.
- Latest