Atong Ang, itinuro sa ‘missing sabungeros’; Gretchen sabit din

MANILA, Philippines — Itinuro ni alyas “Totoy” o Julie Dondon Aguilar Patidongan ang negosyante si Charlie “Atong” Ang at dalawang iba pa na may kinalaman sa kaso nang pagkawala ng mahigit 100 sabungero.
Ito ay batay sa exclusive interview ng GMA News na kung saan ay sinabit din nito ang dating aktres na si Gretchen Barreto na may nalalaman sa kaso dahil kasama umano ito sa inner circle.
Si Patidongan ay 15 taon na security manager ng mga sabungan ni Ang na kasama sa mga unang kinasuhan dahil sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon kay Patidongan, si Ang, Eric dela Rosa at isang Engr. Salazar ang umano’y mastermind ng pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero, ang dalawa umano ang nagdedesisyon kung sinong sabungero ang iho-hold at ililigpit.
Sinabi ni Patidongan na nagpasya na siyang lumantad dahil sa iba’t ibang bintang na ang ibinabato sa kanya at nanawagan din siya sa apat pang guwardiya na lumantad na rin.
Idinagdag pa ni Patidongan na tatlong araw matapos ang kanyang pagbubunyag ay ipinadala sa kanya ni Ang ang 4 na pahinang recantation o pagbawi sa kanyang testimonya kapalit ng P300 milyon.
Samantala, nakatakdang kasuhan ni Ang si Patidongan.
- Latest