^

Probinsiya

Tatay pinatay sa saksak ng nagwalang anak!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Tatay pinatay sa saksak ng nagwalang anak!
Sa ulat nitong Martes ni Captain Eldrin Salarda, deputy chief ng Surallah Municipal Police Station, tinangka lang ng biktima na si Hernani Magan, 59-anyos, na pakalmahin sana ang anak na si Bonbon, 33-anyos, na dumating sa kanilang bahay mula sa kung saan at nagwala.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang 59-anyos na ama makaraang pagsasaksakin ng kanyang sariling anak na lalaki na kanyang tinangkang sawayin dahil sa paghuhurumentado sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Centrala sa Surallah, South Cotabato nitong madaling araw ng Lunes.

Sa ulat nitong Martes ni Captain Eldrin Salarda, deputy chief ng Surallah Municipal Police Station, tinangka lang ng biktima na si Hernani Magan, 59-anyos, na pakalmahin sana ang anak na si Bonbon, 33-anyos, na dumating sa kanilang bahay mula sa kung saan at nagwala.

Naagaw ni Magan ang icepick na bitbit ni Bonbon ngunit nakatakbo ito patungo sa bahay ng kanyang lola na agad namang sinundan at doon na siya nito pinagsasaksak ng kutsilyo mula sa kusina.

Ayon kay Salarda, may hindi pagkakaunawaan si Magan at ang suspect na nakatira sa ibang bahay. 

Agad namang naaresto ng mga pulis si Bonbon matapos mapatay sa saksak ang kanyang ama, ayon kay Salarda.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »