^

Probinsiya

19-anyos dalaga, tepok sa kagat ng bubuyog!

Pilipino Star Ngayon
19-anyos dalaga, tepok sa kagat ng bubuyog!
Sa ulat nitong Linggo ng mga local executives at ng mga kawani ng Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, maselang allergic reaction ang dahilan kaya nanghina, nahirapang huminga at tuluyan nang namatay ang 19-anyos na si Krizel Abayon sanhi ng kagat ng bubuyog sa kanyang noo.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines —- Hindi na naisalba pa ng mga doktor ang buhay ng isang 19-anyos na dalaga na agad na nanghina at nawalan ng malay matapos makagat ng isang malaking bubuyog sa kanilang lugar sa Barangay Tamban sa Malungon, Sarangani nitong Biyernes.

Sa ulat nitong Linggo ng mga local executives at ng mga kawani ng Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, maselang allergic reaction ang dahilan kaya nanghina, nahirapang huminga at tuluyan nang namatay ang 19-anyos na si Krizel Abayon sanhi ng kagat ng bubuyog sa kanyang noo.

Matagal na umanong allergic sa kagat ng mga insekto ang biktima, ayon sa kanyang mga magulang at mga ka­kilala.

Binigyan pa siya ng kanyang ina ng isang anti-allergy tablet matapos makagat ng mala­king bubuyog sa kanilang bakuran ngunit hindi na naagapan ang kanyang panghihina at nawalan na ng malay kalaunan.

Ayon sa mga barangay officials sa Tamban sa bayan ng Malungon, hindi na umabot nang buhay si Abayon sa pagamutan kung saan siya isinugod ng kanyang mga magulang upang malapatan sana ng lunas.

ABAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »