House quad com, tahimik sa kandidatura ni Rose Lin sa QC!
NAKAKABINGI ang katahimikan ng House quad committee tungkol sa resulta ng kanilang imbestigasyon laban sa POGO at illegal drugs trade. Bilyones ang ginastos na taxpayers money sa hearing, pinahiya ang mga resource persons at may naipakulong pa dahil na-contempt. Tapos ganun na lang?
Kung ang layunin ng quad com ay birahin ang pamilya ni Tatay Digong, mukhang nagkamali sila ng isyu dahil kahit walang ginagawa si VP Sara Duterte, abayyy tumaas pa ang kanyang survey rating. Ano ba ‘yan?
Hindi lang ‘yan, ang isang resource person sa katauhan ni Rose Nono Lin, na nai-link ng quad com, hindi lang sa POGO operations, kundi maging sa bilyones na raket ng Pharmally Pharmaceutical Corp. noong panahon ng pandemya ay tumatakbo pa sa ngayon bilang representante ng District 5 ng Quezon City. Araguyyy!
Anong silbi ng hearing ng quad com kung pinaiikot sila ni Rose Lin? Ang sakit sa bangs nito.
Kung sabagay, sa quad com hearing deny to death si Rose Lin sa pagkasangkot sa POGO operations, lalo na sa POGO hub sa Porac, Pampanga, na ni-raid ng mga awtoridad noong Hunyo 4, 2924.
Ang POGO hub na nakatayo sa 10-hectare na property ng Lucky South 99 kung saan may 46 buildings, villas, gold course at iba pang structures, kung saan may telltale signs na sangkot ang asawa ni Rose Lin, na si Allan Lim dito.
Subalit, kinalaunan umamin si Rose Lin na POGO ang isa sa kanilang negosyo, at itinuro ang Xionwei Technology, na tinawag na “mother of all POGOs” dahil ipinarenta nito ang lisensiya ng POGO companies niya sa iba’t ibang bahagi ng Pinas.
Kasama na rito ang POGO ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at ang Lucky South 99 nga sa Porac, Pampanga na nauna niyang itinatwa. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa ngayon, tumatakbo si Rose Lin sa District 5 ng Quezon City at tahimik ang quad com sa kanyang pagpasok sa pulitika. Dati-rati, hinangad na ni Rose Lin ang naturang puwesto kahit hindi pa niya nakumpleto ang residency requirement dahil nabili niya ang kanyang bahay sa Novaliches noong June 2021.
Dati kasi, nakatira siya sa 14 Narra St., South Forbes, Makati City. Bilang preparasyon sa darating na May elections, pinatakbo ni Rose Lin ang kanyang anak na si Jeanly Lin bilang SK chairman ng Bgy. San Bartolome, subalit nabigo itong masikwat ang QC SK Federation presidency. ‘Yan ay kahit hindi makapagsalita ng fluent Tagalog si Jeanly. Sanamagan. Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan, di ba mga kosa?
Ayon sa mga kosa ko, malaking balakid sa kandidatura ni Rose Lin ang na-establish ng quad com na siya at asawang si Allan Lim at Lin Wei Xiong ng Pharmally ay iisang tao na nakalista sa kanilang drug list. Si Rose Lin ay presidente ng Xionwei Tech. at ang kanyang mga kamag-anak ang mga opisyales.
Ang Xionwei ang nagpapatakbo ng POGO call centers na Oroone Inc. sa Cagayan de Oro City; Invech Treasure Processing Corp.-GBC 3. Xin Hung Jin Cheng-Mactan, Cebu; Van Gogh BPO-Las Piñas; First Great Computer Tech.-Paranaque; Big Emperor Tech. Corp.-Pasay; at Shidaikeji Tech.-Clarkfield kung saan ipinao-operate nito ang 22 locations sa Clark Freeport Zone sa Fontana Leisure Parks. Ang dami ah! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Iginiit ni Rose Lin na siya ay corporate secretary ng Pharmally Biological at wala itong connection sa Pharmally Pharmaceutical, kung saan ang drug lord na si Michael Yang ang financier. Kapag nanalo si Rose Lin, sa Mayo 12 paano na quad com? Abangan!
- Latest