^

Punto Mo

EDITORYAL - Agri smugglers, putulan ng pangil

Pang-masa
EDITORYAL - Agri smugglers, putulan ng pangil

SA kabila na may Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, patuloy pa rin ang smuggling ng agri products. Hindi pa rin natatakot ang smugglers. Nagbanta na noon si President Ferdinand Marcos Jr.  sa agri smugglers subalit balewala lang. Ilang beses binantaan sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na hahabulin ang smugglers subalit hindi nasindak ang mga salot.

Patuloy ang smuggling ng sibuyas. Ito ang produkto na paboritong ipuslit ng mga ganid na traders. Iho-hoard nila ang sibuyas at kapag nagkaroon ng kakapusan, saka nila ilalabas at mataas na ang presyo.

Ngayon, may nangyayari na namang smuggling ng sibuyas at maaring maulit ang nangyari noong 2023. Ayon sa Deparment of Agriculture (DA) mahigpit ang pagbabantay nila. Isa umano sa tinututukan ng DA ay ang isang palengke sa Paco na namumutiktik ang mga smuggled na sibuyas.

Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel, nagpapatulong sila sa Philippine National Police (PNP) para mapaigting ang kampanya laban sa smuggling ng sibuyas. Ayon pa kay Tiu-Laurel, sigurado siyang smuggled ang mga sibuyas sa Paco Market sapagkat wala naman siyang inaaprubahang importasyon ng sibuyas.

Nang bumisita naman si Tiu-Laurel sa isang palengle sa Pasay City noong nakaraang Enero, sinabi niya na totoong may nangyayaring agricultural smuggling. Para patunayan, itinuro niya ang mga gulay na onion sticks, Chinese yam, large broccoli at paminta na nasa lalagyan na may Chinese characters. Sinabi ng kalihim na kaya nagkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga gulay ay dahil sa smuggling.

Para lubos na maipatupad ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, sinabi ni Tiu-Laurel na nagtatag sila ng enforcement group na kinabibilangan ng mga ­miyembro ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Philippine Coast Guard at Department of Finance. Sinabi ni Tiu-Laurel na sa pamamagitan ng enforcement group, maayos at epektibong maipatutupad ang batas at ganap na malilipol ang agri smugglers, hoarders at iba pang itinuturing na salot sa ekonomiya.

Magkaroon sana ng katuparan ang mga sinabi ni Tiu-Laurel na mapigilan ang smuggling ng agri products. Nararapat din namang makipag-ugnayan ang DA sa Bureau of Customs (BOC). Ang BOC ang may kargo sa mga dumarating na produkto sa bansa.

Sampolan ang agri smugglers para matigil na ang masamang ginagawa. Putulin ang kanilang pangil para mawala na ang salot sa ekonomiya. Ang agri smugglers din ang lumulumpo sa mga kawawang magsasaka. Nawawalan sila ng ikinabubuhay dahil sa pagpasok ng smuggled agri products.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »