Paulo ‘di kinayang iwan ang kapamilya, bibida sa bagong teleserye!

Nananatiling Kapamilya ang award-winning actor at leading man na si Paulo Avelino matapos itong ianunsyo ng Star Magic kahapon.
Kaya tiyak na muling mapupukaw ni Paulo ang damdamin ng maraming manonood dahil nakatakda siyang bumida sa isang kaabang-abang na teleserye ng ABS-CBN.
Mula sa kanyang husay sa pag-arte at misteryosong awra na kinakikiligan ng fans, patuloy na binibigyang-buhay ni Paulo ang iba’t ibang karakter na tumatatak sa puso ng mga Pilipino.
Tuluy-tuloy din ang pagkilala sa aktor bilang magaling na artista dahil sa mga seryeng pinagbidahan niya na pumatok sa loob at labas ng bansa.

Kabilang dito ang Linlang, kung saan nanalo siya bilang Best Actor sa 2024 TAG Awards Chicago, ang Philippine adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim, Flower of Evil, The General’s Daughter, at marami pang iba. Mayroon din siyang mga Best Actor award sa Gawad Urian at Metro Manila Film Festival.
Kamakailan din ay bumida si Paulo sa box-office hit movie na My Love Will Make You Disappear kasama si Kim Chiu.
Bukod sa pagiging artista, na-eenjoy din ni Paulo ang trabaho sa likod ng kamera bilang isang ganap na producer para sa ilang mga serye at pelikula.
Anyway, wala namang nabanggit kung sino ang makakasama niya sa bagong teleserye na pagbibidahan niya. Si Kim Chiu kaya ulit? O ibang leading lady naman.
- Latest