^

PSN Showbiz

SPEEd nag-donate sa isa sa matandang simbahan, naghatid ng pasalubong sa mga bata sa Kalayaan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
SPEEd nag-donate sa isa sa matandang simbahan, naghatid ng pasalubong sa mga bata sa Kalayaan
Ang Saint John the Baptist Parish Church, na kilala bilang Longos Church, ay ang pinakamatandang simbahang Katoliko sa bayan ng Kalayaan sa Laguna. Sa kalukuyan ay 355 years old na ito na tuluy-tuloy ang isinasagawang restoration at pagpapaganda.

Hindi naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan para makapaghatid ng donasyon at saya ang SPEEd (Society of Phil. Entertainment Editors), samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals, sa pinaka-matandang simbahan sa Laguna at humigit-kumulang na 150 kabataan sa ginanap na SPEED Cares Outreach Program nu’ng Linggo, Hunyo 22, sa Longos, Laguna.

Ang Saint John the Baptist Parish Church, na kilala bilang Longos Church, ay ang pinakamatandang simbahang Katoliko sa bayan ng Kalayaan sa Laguna. Sa kalukuyan ay 355 years old na ito na tuluy-tuloy ang isinasagawang restoration at pagpapaganda.

At isa sa mga hindi pangkaraniwang katangian ng simbahan ay ang Botafumeiro, isang swinging thurible na nakasabit sa malalaking metal na arko na may nakasulat na mga bersikulo mula sa awit ni Zacarias.

Mainit ang pagtanggap sa SPEEd ng parish priest ng St. John The Baptist na si Rev. Fr. Christian Abao at ng grupong CWL, gayundin sa kanilang pag-alalay para maging maayos at organisado ang naturang outreach program.

Kitang-kita sa mga mata ng mga bata, kasabay ng napakatamis na ngiti at taos-pusong pasasalamat, ang kanilang walang kapantay na saya at kasabikan habang tinatanggap ang mga damit, laruan, biscuits at prutas na dala-dala ng mga officers at miyembro ng SPEEd.

Maliit na bagay para sa mga taong nakaaangat sa buhay, ngunit para sa mga batang ito na kasama pa ang kanilang mga magulang na matiyagang pumila para sa mga pasalubong ng SPEEd, malaking tuwa ang hatid nito sa kanilang puso na nag-iwan din ng marka sa kanilang isip sa kahalagahan ng pagbibigay, pagbabahagi ng ating mga biyaya at pakikipagkapwa-tao.

Habang ang cash donation ng grupo para sa simbahan ay magagamit sa mga kinakailangan nilang ipagawa upang mas tumibay pa ang pundasyon ng simbahan.

Sa tulong at suporta ng ilang grupo at personalidad tulad nina Biñan, Laguna Cong. Len Alonte, Bebot Santos ng Colorete Clothing, Moises Fernandez & friends, Geraldine Jennings, LVD Management, Inc. at Federation of Filipino Chinese Chambers Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), matagumpay na nairaos ang SPEEd Cares sa St. John The Baptist sa Kalayaan, Longos, Laguna.

Ang SPEED ang nasa likod ng Entertainment Editors’ Choice Awards o The EDDYS na ngayong taon ay gaganapin sa July 20, Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts.

May delayed telecast ito simultaneously sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at iWantTFC.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »