Bank records ni VP Sara malalantad sa publiko

MANILA, Philippines — Kung matutuloy ang impeachment trial, malalantad sa publiko ang bank records ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa ulat ng Philstar.com, sinabi ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na mayroong paraan para mabuksan ang bank account ni Duterte.
Ang una aniya ay ang pag-bypass sa bank secrecy sa pamamagitan ng Impeachment.
Ipinaliwanag ni Carpio na bagaman at pinoprotektahan ang mga depositors ng Republic Act 1405, o ang Bank Secrecy Law, exempted naman dito ang impeachment cases at ang pangalawa ay kapag nagbigay ng written consents ang mga depositors para ma-access ang kanilang record.
Ipinaliwanag ni Carpio na maaaring gamitin ng prosekusyon ng Kamara ang batas na ito kapag naghain sila ng mosyon para sa subpoena duces tecum upang makakuha ng mga talaan ng deposito na ginawa sa account ni Duterte.
Ang subpoena duces tecum ay isang legal na utos na nag-uudyok sa isang tao na humarap sa korte at ibigay ang mga hiniling na dokumento.
- Latest