^

Bansa

Erwin Tulfo, handang makipagtrabaho sa mga senador mula sa ibang partido

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Erwin Tulfo, handang makipagtrabaho sa mga senador mula sa ibang partido
ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo files his certificate of candidacy for the position of senator on October 6, 2024.
The STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Sa papalapit na pagtatapos ng bilangan ng mga nanalo sa Halalan 2025, inahayag ni Erwin Tulfo, isa sa mga inaasahang panalo sa Senado, ang kanyang kagustuhan na makipagkaisa sa mga kasalukuyang Senador at mga kapwa niya Senator-Elects, saan man sila nanggaling. 

“Pagod na ang mga Pilipino sa mga away-politika. Ang dapat na makita nila ay yung nagkakaisang mga senador, mga lingkod-bayan. Kaya iyan ang una kong gagawin kapag ako ay maupo sa Senado: kausapin ang bawat hanay,” wika ni Tulfo.

“Uupo tayo kasama ang Senate President, ang oposisyon—lahat. Dahil mayroon lang ­kaming anim na taon para tuparin ang mga ipinangako namin sa taumbayan kaya dapat magkaisa na.”

Aniya, ang pagkakaisa sa mataas na kapulu­ngan ay kailangan para sa pagsugpo sa kahirapan, pagsasaayos ng serbisyong ­pangkalusugan, paglikha ng trabaho, pagsusulong ng hustisya, at pagpapaganda ng edukasyon sa bansa. 

Ang mambabatas at consistent na frontrunner sa Senate Race ay naghayag din ng kanyang plano na tumutok na sa mga kailangang gawin sa trabaho sa Senado. 

Bukod sa pagkakaisa sa Senado, plano rin ni Tulfo na magsulong ng mga panukalang batas para sa maayos na sahod ng mga Barangay Officials and Workers, pag-amyenda sa Rice Tariffication Law at budget ng Edukasyon, partikular sa mga nakalaan para sa mga klasrum, paglalagay ng sapat na gamot at gamit sa mga ospital, pagsasabatas ng Sustainable Livelihood ­Program, at pagpapalakas ng suporta at proteksyon sa mga OFWs.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »