^

Bansa

VP Sara: Hatol sa impeachment tanggap ko na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara: Hatol sa impeachment tanggap ko na

Guilty man or acquittal…

MANILA, Philippines — Tanggap na umano ni Vice President Sara Duterte ang anumang magiging hatol sa kanyang napipintong impeachment complaint, maging guilty man ito o acquittal.

Dagdag pa niya, nais niyang matuloy ang naturang paglilitis dahil nais niya ng ‘bloodbath’.

“Wala akong expectations of acquittal or a verdict guilty basta sa akin lang, tinanggap ko na kung ano yung magiging verdict, guilty man yon or acquittal. I’m already at peace,” ayon kay VP Sara, sa isang ambush interview sa isang thanksgiving mass sa Davao City kamakalawa.

Anang bise presidente, sa ngayon ay wala siyang anumang ekspektasyon sa ­nalalapit na pagdinig sa kanyang impeachment matapos na matukoy kung sinu-sino ang mga nanalong senador sa eleksiyon.

Dagdag pa niya, “Hindi ko alam kung paano boboto ang mga senators. If at all, there will be a trial, I think it is wrong to start counting votes now because they haven’t seen the evidence yet. They haven’t seen what the prosecutors have. They haven’t seen what our defense is.”

Aniya pa, “So parang mali siguro na magbilangan ng boto ng walang trial. Pero ginagawa siya ng publiko. Basta sa akin, tanggap ko kung anong mangyayari, anong ­magiging ending ng impeachment.”

Tiniyak din naman ni VP Sara na abala na sa paghahanda sa impeachment ang kanyang mga abogado.

“As lawyers, alam naman natin ang galawan ng mga abugado. Marami silang paraan sa batas as a legal recourse for their clients. Pero sinabihan ko na rin talaga sila, really, I truly want a trial because I want a bloodbath talaga,” aniya pa.

Ang impeachment trial sa bise presidente ay nakatakdang simulan sa ­Hulyo 30, 2025.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »