Hindi ako magre-resign – Marcos

MANILA, Philippines — Sinopla ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagan ng kanyang mga kritiko na magbitiw siya sa puwesto matapos na ipag-utos ang resignations ng kanyang Cabinet members.
Tanong ng Pangulo, bakit niya gagawin ang pagbibitiw at wala rin sa ugali niya na tinatakbuhan ang problema.
‘’I will resign? Bakit ko gagawin ‘yun? Wala sa ugali ko ang tinatakbuhan ang problema,’’ pahayag ni Pangulong Marcos.
Ano rin aniya ang magandang idudulot ng kanyang pagbibitiw.
Paliwanag ni Pangulong Marcos, layunin ng panawagang courtesy resign na ma-recalibrate ang administrasyon matapos ang midterm elections.
Ayon sa Pangulo, hindi optics ang courtesy resignation lalo pa at masusing binubusisi ang performance ng bawat miyembro ng gabinete.
Matatandaan na inihayag nina dating executive secretary Vic Rodriguez na dapat si Marcos ang magbitiw sa puwesto dahil mismong siya ang problema.
- Latest