^

PSN Opinyon

VP Sara: Mayroong dayaan sa eleksiyon

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

SA bilang ng mga senador ngayon na bumubuo ng Senado, kasama na ang mga bagong halal na uupo sa susunod na Kongreso, overwhelming ang dami ng mga sympathizer ng mga Duterte. Ngunit para kay Vice President Sara Duterte, tila nakukulangan pa siya. Dinaya raw ang eleksiyon noong Mayo.

Sino ang nandaya? Sino ang nakinabang?

Nagpahayag si Sara ng hinalang may “hokus-pokus” na naganap noong eleksiyon kaya hindi nakalusot ang ilang kandidato ng mga Duterte tulad nina JV Villanueva Hinlo, Jimmy Bondoc at Richard Mata. Sa palagay ko, kung nandaya ang mga senatorial bets ng administrasyon, walang maka-Duterte na lulusot.

Ngunit kahit sa mga senador na inendorso mismo ni President Bongbong Marcos, marami pa rin ang sa tingin ko’y may pagka-makiling sa mga Duterte. Dapat nga, pinuri pa rin ni Sara ang eleksiyon sa pagiging clean and honest nito.

Hindi pa nga nag-uumpisa ang bagong Kongreso ay gulpi-sarado na sa mga senador ang impeachment case laban sa kanya. Hindi pa ba niya ikinatutuwa ito? Hindi ba pabor ito sa kanya?

At parang naglalaba ng sariling dirty linen si Sara dahil inihayag niya ito sa Independence Day celebration ng Pilipinas sa harap ng Pilipino community sa Malaysia. Hindi lang mga Pinoy kundi pati Malaysian ang nakapakinig.

Halatang ibig lamang pulbusin ng husto ni Sara ang sarili niyang bansa sa halip na sabihing nananaig pa rin ang proseso ng demokrasya sa Pilipinas. Oo nga’t nasa piitan pa rin ng ICC sa The Hague ang ama niyang si ex-president Rodrigo Duterte, puwede naman niyang sabihing naniniwala siya na mananaig ang hustisya sa kalaunan. Talaga lang sa hangaring dalirutin si Marcos, pati ang buong Pilipinas ay giniba ni Sara.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »