House ‘di babawiin articles of impeachment vs VP Sara

MANILA, Philippines — Walang plano ang House prosecution panel na bawiin ang articles of impeachment laban kay Vice Presidente Sara Duterte.
Iginiit din ni San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora, na ang ganitong opsyon gayundin sa pagbawi sa impeachment complaint ng walang trial ay unconstitutional o paglabag sa batas.
“Returning it to sender or dismissing the impeachment complaint right away are unconstitutional acts,” ayon pa kay Zamora.
Wala rin opsyon ang mga Senador na ibasura ang impeachment kaya wala rin dahilan ang Kamara para bawiin dahil malinaw ang nakasaad sa konstitusyon na ang Senate impeachment court ay kailangan agad dinggin ang reklamo na kanilang natanggap.
Ayon kay Zamora, 11 buwan na naghahanda ang prosecution panel sa impeachment trial kung saan si Batangas Rep. Gerville Luistro ang itinalaga na basahin ang articles of impeachment sa Senado sa Hunyo 11 kung saan lahat ng 11 House prosecutors ay dadalo rin.
Hindi rin aniya sila apektado sa nangyayari sa Senado kung saan mayroon silang naririnig na draft resolution para ibasura ang impeachment complaint laban sa bise presidente, sa halip patuloy ang kanilang trabaho dahil ito ang nakasaad sa ilalim ng konstitusyon.
- Latest