^

PSN Opinyon

Impeachment trial vs Sara, ituloy na!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NADISMAYA ang marami sa desisyon ni Senate President Chiz Escudero na muling ibalik sa Kamara ang impeachment cases laban kay Vice President Sara Duterte. Maraming hindi makapaniwala sa nangyari dahil naka-schedule na ang impeachment trial noong Hunyo 11.

Nagpahayag ang mga eksperto sa Constitution na illegal ang ginawa ng Senado. May haka-hakang naglabasan na tila tumatayong abogado ang mga senador kay Sara para harangin o patayin na ang mga reklamong sinumite ng 2/3 ng mga kongresista.

Ayon kina Atty. Christian Monsod at Atty. Rommy Macalintal, tila balak nang patayin ang impeachment dahil sa nangyari. Ayon pa sa dalawang batikang abogado, mga halal ng taumbayan ang mga senador kaya nararapat maglingkod sila sa bayan at hindi sa isang tao na nahaharap sa paglilitis.

Nang isumite ng Secretary General ng Kamara sa Senado ang impeachment cases, nagpahayag si Escudero na ipagpapaliban muna ang pagdinig sa impeachment dahil naka-break pa ang Senado at maging ang Kamara. Marami sa mga senador at kongresista ang abala sa pangangampanya sa midterm election.

Kaya ang buong akala ng taumbayan, mabibigyan na ng pansin ang impeachment trial dahil tapos na nga ang election at may natitira pang mga araw ang mga senador ng 19th Congress. Pero pagpasok ng Hunyo, biglang nag-iba ang ihip ng hangin at nagkaroon ng mga debate at may mag-aaway pa nga sa pagitan nina Senators Padilla at Villanueva. Mabuti at naawat si Padilla na tila gustong sugurin na si Villanueva.

Nanaig ang grupo nang mga senador na ibalik sa Kamara ang impeachment complaint. May dapat daw pag-aralan pa rito.

Ang masakit nito mukang kulang na sa panahon na mabigyan ito ng pagdinig dahil hanggang sa Hunyo 30 na lamang ang lahat ng mga senador at kongresista ng 19th Congress.

Gusto nang nakararaming mamamayan na isalang na sa impeachment trial si Sara. Gusto nilang malaman ang katotohanan sa mga iniaakusa rito. Gustong malaman ng taumbayan kung papaano nagamit ang milyones na intelligence fund ng Office of the Vice President at pati ng DepEd.

Ngayong maraming Pinoy ang naghihirap, dapat malaman kung saan ginamit ang pondo ng bayan. Bakit may mga kaduda-dudang pangalan na tumanggap ng confi funds gaya ni Mary Grace Piattos at maraming iba pa na ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay wala sa kanilang data base. Nitong huli, natuklasan na pati pangalan ni Atty. Chel Diokno ng Akbayan at ni actress Marianne Rivera ay nakalagda rin sa acknowledgement receipt.

Dapat malaman ng taumbayan ang nasa likod ng anomalya. Pagkakataon na sana ni Sara na ipresenta ang kanyang panig ukol sa inaakusa sa kanya subalit nabitin pa dahil na rin sa pasya ni Escudero at marami pang senador. Nararapat nang simulan ang paglilitis. Marami nang nag-aabang sa pagsisimula ng impeachment trial ni Sara.

CHIZ ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »