^

Metro

Torre, tiniyak na ligtas ang Balik-Eskwela sa Hunyo 16

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Torre, tiniyak na ligtas ang Balik-Eskwela sa Hunyo 16
Police General Nicolas Torre III, chief of the Philippine National Police, appear on a radio interview on June 6, 2025.
PNP PIO / Released

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na ligtas ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa Hunyo 16.

Ang paniniyak ay ginawa ni Torre III kasunod ng kautusan ni Pa­ngulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguradu­hing ligtas ang mga mag-aaral, magulang at guro sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

Ayon kay Torre, ito na rin ang kanyang direktiba sa mga regional directors at station commander na tiyaking sapat ang mga pulis na nakakalat sa bisinidad ng mga paaralan at mga  establisimyento.

Sinabi ni Torre na dapat na tuluy-tuloy ang pag iikot ng mga pulis na bitbit ang mga hand held radio upang mabilis silang makaresponde sa panahon ng emergency.

Una nang inanunsyo ni PNP Spokesperson, PBGen. Jean Fajardo na nasa 37,000 mga pulis ang kanilang ipakakalat kung saan nasa 5,000 rito ay itatalaga sa mga Police Assistance Desk sa mga eskwelahan.

Giit ni Torre, nais niyang makita na kakampi at katuwang ng pulis ang publiko at hindi nakakaram­dam ng takot sa tuwing nakakakita ng pulis.

Dagdag pa ni Torre na prayoridad ng PNP ang seguridad ng bawat Pilipino.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »