^

Police Metro

VP Sara, handa na sa impeachment trial

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na anuman ang mangyari ay handa na siya para sa kanyang napipintong impeachment trial.

Ang pahayag ay ginawa ni VP Sara, matapos siyang bumoto para sa 2025 National and Local Elections (NLE) sa Davao City kahapon.

“Ang isyu ko lang naman ay ang impeachment. So sinasabi ko na nga na ‘yung impeachment naman, kahit anong mangyari diyan—guilty or acquittal—handa na ako sa kung anong mangyari,” pahayag pa ng bise presidente.

Aniya pa, ipinauubaya na niya sa kanyang mga abogado ang lahat ng paghahanda para sa kanyang impeachment case sa Senado.

Gayunman, itinuturo pa rin umano niya sa mga ito ang tamang direksiyon.

Base sa inisyal na timetable na inilabas ni Senate President Francis “Chiz” Escudero, itinakda ang tentative na pagsisimula para sa impeachment trial ni VP Sara sa Hulyo 30.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »