86.9% ng mga mambabatas na pumirma para ma-impeach si VP Sara muling nahalal
MANILA, Philippines — Muling nahalal at makakabalik sa puwesto ang nasa 86.9 porsiyento ng mga mambabatas na pumirma sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang sinabi ni Assistant Majority Leader Jude Acidre, taliwas ito sa paniniwala na isang political liability ang impeachment.
“Just to set the record straight, these results dismantle the narrative that the impeachment was a political liability. What we’re seeing is a public that values courage over complicity. The people have drawn the line - and they stood with us,” ani Acidre.
Maging sa Mindanao, ang tinuturing na bailiwick ng pamilya ni dating pangulong Duterte, at kung saan hinulaan ng mga kritiko ang backlash, ibinunyag ni Acidre na 36 sa 44 na pro-impeachment na mambabatas ang babalik sa Kongreso sa Hulyo 1 sa 20th Congress.
Hinimok din ng kongresista ang mga kapwa mambabatas na iwasan ang paninisi at pagtuunan ng pansin ang mas mahahalagang bagay.
- Latest