TNT lumakas ang signal sa bonus

MANILA, Philippines — Inilista ng TNT Tropang 5G ang kanilang ikaanim na sunod na panalo matapos pabagsakin ang sibak nang Blackwater, 108-82, sa PBA Season 49 Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Bumira si guard Simon Enciso ng 19 points tampok ang limang three-point shots para sa 6-3 kartada ng Tropang 5G at makasosyo sa fourth spot ang Ginebra Gin Kings at Rain or Shine Elasto Painters.
Nagdagdag s Kelly Williams ng 15 markers at may 14, 12, 11 at 10 points sina Calvin Oftana, Brandon Ganuelas-Rosser, Poy Erram at Kim Aurin, ayon sa pagkakasunod.
Pinalakas ng PLDT franchise ang kanilang pag-asa sa isa sa apat na ‘twice-to-beat’ incentves sa quarterfinals.
Nalasap ng Bossing ang kanilang pang-anim na dikit na kamalasan para sa 1-8 marka.
Matapos makadikit ang Blackwater sa 34-36 sa pagsisimula ng second period ay kumawala ang TNT sa likod ng mga triples nina Enciso, Oftana at Williams para lumayo sa 54-38.
Tuluyan nang umarangkada ang Tropang 5G sa third quarter.
- Latest