^

Pang Movies

Alexie, umagaw ng eksena sa Miss Eco

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Alexie, umagaw ng eksena sa Miss Eco
Alexie Caimoso Brooks

Sa kabila na kasalukuyang nagluluksa ang Philippine music and cinema sa magkakasunod na pagpanaw ng tatlong reyna ng larangan ng sining,  ang Movie Queen na si  Gloria Romero, ang Asia’s Queen of Songs and Music Icon na si Pilita Corrales, at ang nag-iisang superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor, isa namang masayang balita ang bumulaga sa mga Filipino sa pagkakapanalo ng Filipino-American athlete-turned beauty queen na si Alexie Caimoso Brooks as Miss Eco International 2025 winner.

Ang grand coronation night ng Miss Eco International 2025 ay ginangap nung nakaraang April 19, 2025, Sabado de Gloria na ginanap sa AIZahraa Ballroom ng Hilton Green Plaza in Alexandria, Egypt.

Si Alexie bale ang ikatlong Filipina na nagkapag-uwi ng titulo at korona kasunod nina Cynthia Thomalia nung 2018 at ni Kathleen Paton nung 2022.

A self-confessed bisexual at proud member ng LGBTQ+ community, si Alexie ay lumaki sa piling ng kanyang maternal grandmother sa Iloilo City.   Ang nakalulungkot lamang ay hindi na inabutan ng kanyang lola ang kanyang panalo dahil sumakabilang-buhay ito nung nakaraang September 2024.

Si Alexie ay isinilang sa Lebanon ng kanyang Filipina OFW mother nung February 21, 2001 to her black American father.

Bago tinanghal na Miss Iloilo si Alexie, she was an active track and field athlete.  She even competed in the University Athletic Association of the Philippines (UAAP) kung saan siya pinangalanang Most Valuable Player (MUP) nung 2022.   Sa kaparehong taon ay naging kinatawan siya ng Pilipinas sa Southeast Asia Games na ginanap sa Vietnam.

Nung January 13, 2024, she was crowned as Miss Iloilo na ginanap sa West Visayas State University Cultural Center in La Paz, Iloilo na naging daan ng kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines.

Kailan naman kaya masusundan ang panalo ng Pilipinas sa Miss Universe at Miss World?

KC at Aly, hindi na nagtatago

Nagkabalikan ba ang dating magkasintahang KC Concepcion at Aly Borromeo na nagkahiwalay nung 2018 matapos ang kanilang dalawang relasyon?

Sina KC at Aly ay unang namataang magkasama nung nakaraang October 2024 sa isang football event. Magkasama rin ang dalawa along with their other friends nang i-celebrate ni KC ang kanyang 40th birthday last April 7 sa Amanpulo, Palawan kung saan din siya sinorpresa ng kanyang ina, ang megastar na si Sharon Cuneta.

Single pareho sina KC at Aly kaya hindi malayong na-rekindle ang relasyon ng dalawa.

Wish naman ng mga followers ng Mega daughter na sana’y mag-asawa na rin ito at bumuo ng sarili niyang pamilya.

Natutuwa naman ang mga kaibigan at mga fans ni KC na balik na naman ang magandang relasyon nila ng kanyang ina na madalas niyang makatampuhan.

Si KC ay kaisa-isang anak ng dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

PAGEANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »