^

Pang Movies

Ivana, walang pakialam sa bashers

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ivana, walang pakialam sa bashers
Ivana

Bibilib ka kay Ivana Alawi dahil ang daming sumugod sa kanyang Instagram para i-bash siya at tawagin ng kung anu-anong pangalan, hindi siya nagde-delete ng comment. Hindi rin nito in-off ang comment box ng kanyang IG, kaya libre pa siyang i-bash at laitin.

May mga nagpapayo na kay Ivana na i-off ang comment box ng kanyang IG para hindi na siya ma-stress sa mga comment na ‘yung iba, nakikitsismis lang naman. May mga nag-unfollow na rin sa kanya at in-announce pa na in-unfollow siya as if naman it  matters kay Ivana na may 11.1M followers.

 May mga nakakatawang comment na bakit daw siya pumatol sa matanda at kung anu-ano pang comment. Ang mas nakakatawa pa, sa gitna nang kaguluhan, may mga nanghihingi ng iPhone at cash na 20,000.

‘Kaloka ang mga tao.

Anak, ni Katrina na may ASD, nakapasang crew

Very proud mom si Katrina Halili sa anak na si Katie na naging kiddie crew sa isang McDo branch. Pinost ng aktres ang reels ng video ng anak na may Autism Spectrum Disorder (ASD) na personal na ikinuwento ang kanyang ginawa at mga kasamang kiddie crew.

Naglinis ng table, nag-mop, nag-served sa custo­mers at nag-cashier pa si Katie na masaya sa kanyang experience.

Ipinagmalaki nitong ilang table ang nilinis niya at nagbigay ng sukli sa customer. Nakangiti si Katie habang nasa McDo na in fairness, inalalayan ni Katrina.

Sabi ni Katrina, “Katie just had an amazing experience working as a kiddie crew at McDonald’s! She loved helping out, learning new things, and having fun with the team. So proud of you anak for embracing this opportunity and making joyful memories! #ProudMama #KiddieCrew #MakingMemories KatieMyLabs.

Naalala namin si Candy Pangilinan na ni-record din ang pagiging crew ng anak na si Quentin sa isa ring fastfood crew. May Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) on the autism spectrum si Quentin.

Mabubuting ina sina Katrina at Candy na in-embrace at minahal ang mga anak sa kanilang mga kalagayan at hindi itinatago.

Mahilig kumanta si Katie at nag-perform pa ito sa isang mall kasama ang mga batang may kondisyon din gaya sa kanya.

Namana ni Katie ang pagiging singer ng ama niyang si Kris Lawrence at nasa tono siya kumanta.

IVANA ALAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »