Bea, super bonding na sa pamilya ng jowang bilyonaryo!

Pinag-uusapan na naman ngayon sina Bea Alonzo and rumored billionaire boyfriend na si Vincent Co dahil sa bagong sightings sa kanila.
Spotted ang dalawa na magkasama sa isang corporate event.
Ipinost ng fan page ni Bea sa Instagram na @beaalonzo.babies ang mga bagong larawan ng dalawa na magkasama sa Suppliers Appreciation Night.
Sa mga larawan ay makikitang kasama rin nina Bea at Vincent sa table ang mommy at sister ng huli.
Caption ng fan page, “new update sa BeVico.”
Kaagad nag-viral ang mga larawan at ang daming na-happy sa fact na na-meet na ni Bea ang family ni Vincent.
Anyway, hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon or denial sina Bea at Vincent hinggil sa rumored relationship nila.
Red Sternberg, pinlanong magbalik-showbiz bago pumanaw
Nag-iiyakan sina Angelu De Leon, Bobby Andrews, at Michael Flores habang ginugunita ang kanilang yumaong kaibigan na si Red Sternberg.
Matatandaang magkakasama sila sa ‘90s GMA series na T.G.I.S.
Pumanaw si Red noong May 27 sa edad na 50, just three days bago siya magdaos ng kanyang 51st birthday ayon sa Facebook post ng kanyang asawang si Sandy Sternberg.
Sa nakaraang episode ng Fast Talk With Boy Abunda, hindi napigilang maging emosyonal nina Angela, Bobby, at Michael nang mapag-usapan ang kaibigan at dating katrabaho.
Sey ni Bobby, nakausap pa niya si Red isang linggo bago ito sumakabilang-buhay. Excited pa nga raw itong umuwi ng Pilipinas.
“It’s hard to accept because I was just talking to that guy a week before so how can this happen? Ang hirap! At his age, you know. He was working out, he was losing weight, he was very excited to come home,” kwento ni Bobby.
Sabi naman ni Angelu, parang tumigil ang mundo sa kanya nang malaman ang pagpanaw ni Red. Tulad ni Bobby ay in disbelief din siya.
Nang basahin ni King of Talk Boy Abunda ang mensaheng ipinadala ng misis ni Red ay lalong napaluha ang tatlo.
“Last time I talk to him, he was so excited about his bunso kasi only boy n’ya at saka ‘yun ‘yung time na ine-enjoy niya ‘yung fatherhood. Talagang this is a different side of Red. ‘Yung kung paano namin naramdaman kung paano siya naging isang kaibigan,” wika ni Angelu.
Ibinunyag naman ni Michael na nagbabalak umuwi ng Pilipinas si Red para subukang mag-artista ulit.
“Plano n’ya talagang bumalik muna dito. Plano n’yang mag-artista ulit eh. Humihingi pa nga siya ng advice sa ‘min ni Bobby kung sinong pwedeng kausapin. Kung naging okay, pwedeng mag-stay pa rin muna sila for a while kung okay ‘yung magiging outcome.”
Dagdag pa ni Michael, nagpaplano rin sila para sa kanilang reunion bilang pagdiriwang ng 30th anniversary ng T.G.I.S. Kaya sobrang excited daw ni Red at nag-workout pa bilang preparasyon.
Binanggit din ng tatlo na kasado na pala ang reunion project ng T.G.I.S. stars at siyempre, kasama rito si Red. Uumpisahan na lang daw talaga sana nila.
Iminungkahi naman ni Kuya Boy na baka nais pa rin ni Red na matuloy ang proyekto kahit wala na ito at magandang ideya na rin para i-honor ang kanilang kaibigan.
- Latest